2004, Housing for UP employees sa Forestry, UPLB.
Fourth year high school pa lang ako ng mga panahong ito. We decided to make our output for our science investigatory project sa bahay ng classmate ko na taga forestry nga.
Alas kwatro ng hapon ang labas namin noon sa klase. Pero hindi p kami dumerecho sa bahay ng classmate ko dahil we have to collect our raw materials pa na gagamitin sa nasabing project. In short, madilim na ng makarating kami sa bahay nila.
Base nga sa pangalan ng lugar, "Forestry" bundok ito, at pinadilim pa ng mga malalaking puno ang buong paligid, ang masama pa, hindi na naabot ng street lights yung lugar so madilim talaga. At wala kaming choice kundi maglakad dahil hindi na iyon pinupuntahan ng mga jeep. Mga 15 minutes ding lakaran bago makarating sa bahay nila.
At nakarating nga kami sa bahay ng classmate ko. Bungalow style, pahaba. Kung nakarating na kayo sa forestry, mapapansin nyo na luma ang mga disenyo ng mga bahay, may pag ka Spanish style, na me-maintain lang ng maayos yung mga nasa bandang tabing kalsada ngunit dun sa area ng classmates ko, lumang luma na talaga yung mga bahay. Pagkapasok ng bahay ay bubungad ang maluwag na living area, may maliit na pinto papunta sa kusina, at sa bandang kanan ng sala ay mga tatlong steps na hagdanan papunta sa kwarto. Ang buong paligid ng bahay.... Puro puno at mga ilang metro din ang kapitbahay.
So ayun na nga, nagsimula na kami sa aming proyekto. Mga anim ata kaming magkakagrupo sa project na ito at we decided na sa kusina kami gmawa dahil medyo makalat ang gagawin namin.
Sa dining area kami pumwesto, bilog yung kanilang lamesa na 6 seater. Yung may ari ng bahay, busy na busy sa pag iikot pag kuha ng mga gamit, tapos kami nag start na rin sa gagawin namin.
Nakaupo ako kaharap ng pintuan na nagdudugsong sa Sala at sa Kusina. Mula sa aking pwesto, tanaw ko ang buong Sala, maging ang pintuan palabas. Nasa likod ko naman ay bintana at syempre mga puno sa labas.
Unlike the usual days, nung gabi na ito, wala sa akin yung spotlight. Walang kwento, walang tsika, walang clown na lumabas sa akin. Napansin ko yun sa sarili ko that night pero wala sa isip ko ang kung anu pang paranormal activity na nangyayari sa paligid ko. Busy lang ako sa pag gugupit ng cogon grass. Hindi ako namamansin, seryoso sa pag gupit. Yeah, hindi normal sa akin ang maging tahimik na halos wala talagang lumabas ni isang salita sa akin.
Mga ilang sandali pa ang nakaraan alam kong may kaka iba na ngang nangyayari sa paligid ko.
Lumalamig ang paligid , yung mga groupmates ko naman tuluy lang din sa pinag gagagawa nila pero normal naman sila. Lumalamig ang paligid ngunit pinagpapawisan ako. Naramdaman ko din unti unting tumatayo ang mga balahibo ko.
Nahihilo ako... Nanlalaki ang ulo ko pero hindi pa rin ako nagsasalita.
Nakatuon ang mata ko sa ginugupit ko. Hindi ako lumilingon dahil ayokong makakita.hindi tama dahil maapektuhan ang ginagawa namin.
Ramdam kong may lumalapit sa akin ngunit ayokong i entertain. May lumalapit pero hindi ko alam kung ano. Lalong lumalamig ang paligid. Lalo akong nahihilo, lalong lumalakas ang kabog ng dibdib ko,.... Nanlalaki ang ulo ko...
Nangangatal ang mga kamay... Pero patuloy ako sa pag gupit. Gustung gusto ko ng itaas ang ulo ko at tawagin ang mga kaklase ko pero hindi ko magawa.
Sumama na din ang pakiramdam ko dahil nga sa kilabot na nararamdaman ko... Bigla kong naramdaman maykung anu sa likuran ko.... Huhuhu
Naiiyak na ko this time... Alam kong may kung ano sa likod ko. NAkatungo lang ako......
Maya maya pa, nawala ang lamig sa paligid... (Huhuhu naiiyak ulit ako ngayun habng nagsusulat hahaha). Naramdaman kong may kung anung lumamig na humihimas sa kanang braso ko hanggang sa dibdib ko.
Napraning ako... Ramdam kong may humahagod sa balikat ko. Ang lamig, ramdam na ramdam kong kamay yon. Dahil hindi ko na makayanan.... No choice ako kundi sumigaw, PERO bago pa ako sumigaw.... Namatay yung ilaw namin.... Nagsigawan yung mga classmates ko..
Pero wala pang dalwang segundo, bumalik yung ilaw (nag fluctuate lang) ang nakakaloka....
Pagkabukas ng ilaw, kitang kita ko yung kaklase kong babae, nakatayo sa pinto at sa likod nya, may matangkad na sundalo na nakatayo!
Kitang kita ko ang uniporme nya, may mahabang baril na nakasabit sa likod nya. Parang hapones.
Napaupo ulit ako, habang sila nagtakbuhan sa sala.
Tas kinuwento ko sa nanay ng classmate ko yung nakita ko dahil napansin nilang naubusan ako ng dugo at nangangtal.
Hahaha. Creepy talaga kung ikaw mismo yung naka experience.
Sana kahit minadali ko to, eh matuwa kau. Hehehe
c|o: Julius Pelegrina
BINABASA MO ANG
KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1
HorrorHuwag basahin kung mahina ang loob. Lalo na sa gabi. Compilations of True Ghost Stories. Tagalog Horror Stories Based On Real Life Events