Ako po pala si Emman Nuel(Fb Name) at nakatira ako sa Iligan City Mindanao.
Pagkatapos po ng bagyong Sendong na washout po yung bahay namin at namatay yung kuya ko at nawawala ang kanyang Asawa at mga anak.
Binigyan kami ng pamahalaan ng bagong bahay pero ng hindi pa ito natatapos ay natutulog na doon ang Papa ko which is bawal pala ayun sa mga pamahiin dahil ayon sa pamahiin dahil makikitulog o makikituloy rin ang mga ligaw na espiritu sa bahay ninyo na hindi pa natatapos.Nagsimula ang lahat ng lumipat na kami sa bago naming bahay.
Ang karanasan ko ay yung matutulog na sana ako ng biglang may kumatok na kagaya ng boses ni Mama at ng buksan ko ay wala tao at doon ko lang naalala na hindi pala uuwi si mama kapag gabi ni lock ko ng mabilisan ang ni lock ko ng mabilisan yung pinto at matutulog na lang sana pero nung papikit na ako ay parang hindi naako ang gumagamit sa sarili ko pilit akong gumalaw at gusto ko sanang sumigaw pero walang lumalabas na boses sa bibig ko at para akong iniipit na hindi ko maintindihan ang mga nangyayari pero ang alam ko ay gising ako dahil nakikita ko ang paligid ang ginawa ko nalng ay pinikit ko ang mga pinikit ko ng dahan-dahan yung mga mata ko pero ayaw paring bumalik sa realidad ang utak ko, paulit-ulit itong nangyari saakin.Ang sunod kong karanasan sa bago naming bahay ay nung may tao sa loob ng CR namin pero wala naman pala pero ang lahat ng kababalaghan na nangyari sa bahay namin ay binabalewala ko nalang ngayon kahit may nararamdaman at nakikita parin ako sa Bago naming Bahay.
The end.c|o: Emman Nuel
BINABASA MO ANG
KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1
HorrorHuwag basahin kung mahina ang loob. Lalo na sa gabi. Compilations of True Ghost Stories. Tagalog Horror Stories Based On Real Life Events