UP Diliman: Molave Dorm

395 7 1
                                    

  2008  Sa Molave Dorm ako nun nakatira. Galing ako sa Trinoma nun dahil nanood kami ng sine ng mga kasama. 12MN na kami nakabalik ng dorm. Since hanggang 1AM naman ang late-night permit namin, inaya ko silang mag-ghost hunting. Walang sumama sakin kaya mag-isa na lang ako na tumuloy. Naisip ko na sa may College of Music pumunta dahil ayaw kong makakita pero madidinig ko naman sila (ang sabi nila kasi, pag madaling araw na, marami kang madidinig na tumutugtog na musical instruments kahit wala ng tao sa loob).

So punta ako doon. Pagdating ko dun, nakita ko pa ang mga guards na nagbabatay sa labas. So todo pakinig ako baka may tumutugtog. Habang tinitingnan ko yung building, bigla kong naramdaman na sumasakit yung ulo ko. Di ko na maidilat ang mga mata ko sa sobrang sakit. Sabi ko nun sa sarili ko baka inaantok na ako. So naglakad na ako pabalik ng dorm ng walang naririnig na kahit ano. Pag dating ko sa may theater (magkatabi yung building), nawala na sakit ng ulo ko. Ayaw magperform ng mga multo sakin :P

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon