Bata palang ako noong nangyari ang kauna-unahan kong malagim na karanasan. Tatlo ang lola ko noon pero namatay yung isa dahil sa malubhang sakit. Sa Maynila pa kami nakatira noon at nung mabalitaan namin, lumuwas kami ng Pampanga. Nung huling lamay na ng lola ko na itatago ko sa pangalang Lola Karing, sumilip ako sa kabaong nung gabing iyon. Nakita ko yung mga mata niya kumukurap-kurap. Parang gustong gumising pero may pumipigil. Hindi na ako natakot noon dahil maraming tao sa amin. Ang daming bisita at maiingay pa kaya ang ginawa ko tinawag ko yung kalaro ko at pinasilip ko rin siya sa kabaong. Nakita rin niya gumagalaw rin daw yung mga mata, parang dumidilat. Nagstay kami sa kusina nun at pinag-usapan namin ng mahina kung ano kaya ang ibig sabihin nun. Mayamaya pagbalik ko sa kabaong, nakita ko nakapikit na ulit yung mga mata niya at hindi na gumagalaw. At doon nagsimula ang pagka-phobia ko na sumilip sa mga kabaong tuwing may lamay. Ayoko na!
BINABASA MO ANG
KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1
HorrorHuwag basahin kung mahina ang loob. Lalo na sa gabi. Compilations of True Ghost Stories. Tagalog Horror Stories Based On Real Life Events