©Adrian Dominic Lopez
Tawagin nyu nalang po ako sa ngalang ADRIAN .
2016 feb. 4 bandang ala 7 ng gabi galing ako sa inuman at niyaya ako ng barkada ko na mag inum sa condo nya kasi birthday nya.
Ung name ng building sa fairview sa Redwoods.
Lasing na ako nung pumunta ako dun sa birthday ng barkada ko sa condo nya, syempre may mga babae xD
And then ng matapos kami ay bangag na ako sa alak hindi ko na kayang tumayo, at nakatulog ako nagising nalamang ako sa halik ng babae dahil nabitin ako sa tulog sinampal ko ung babae dahil sa badtrip lumabas ako ng condo para umuwe habang naglalakad ako sa hallway, sa dulo nakita ko ung guard hawak yung batuta nya habang palapit ako ay lalong humahaba ung hallway akala ko dahil sa lasing ako pero pag tingin ko sa guard ambilis nya palapit sakin pero hindi naman sya nag lalakad o tumatakbo .
Edi tumakbo ako papunta sa kabilang hallway nang bumangga ako sa guard sabay sabe ko ng salamat at may kasama na ako pagtingin ko sa mukha ng guard ay may dugo pero hindi ko makita ng maayus ung mukha nya punong puno sya ng dugo mula sa labi hanggang dibdib. Tumakbo ulit ako at nag sisigaw at sumakay ako ng elevator.
Nasa 6th floor ako at bumaba sa pinaka baba.
Sa sobrang hingal ay yumuko ako sabay bukas ng elevator nung lalabas na ako biglang lumabas ung guard wala na akong alam na gagawin kasi wala akong matatakbuhan kaya sinapak ko ung guard, e nakita ko ung mukha ng guard wala namang dugo dun ako nanglamya at nawala ung takot ko kasi alam ko nang totoong guard na yun.
Share lang yan kac ung pinaka nakakatakot at ayaw ko ng maulit na pangyayare sa buhay ko.
BINABASA MO ANG
KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1
HorrorHuwag basahin kung mahina ang loob. Lalo na sa gabi. Compilations of True Ghost Stories. Tagalog Horror Stories Based On Real Life Events