Ang painting na "The Hands Resist Him" na ginawa noong 1972 ay ikinokonsidera na ngayon bilang isa sa mga pinaka-nakakatakot na art sa buong mundo. Ang painting na ito ay naglalaman ng isang batang babae na walang mga mata na may katabing isang batang lalaki na nakakatakot ang hitsura ngunit wala ring mga mata.
Ang painting na ito ay binili ng mag-asawang nakatira sa California noong taong 2000 at sila rin ang unang nakasaksi ng kababalaghan sa painting na iyon. Ayon sa mag-asawa, nakikita raw nila na gumagalaw ang dalawang bata sa mismong painting at kung minsan ay naglalaho ang mga ito sa mismong painting tumatakbo-takbo sa kanilang kuwarto. Ang lalaking nakaguhit sa larawan ay sinasabing pumapasok mismo sa isang kwarto kung saan ito nakasabit at ang batang babae mismo ang nag-uutos sa kanya para gawin iyon. At ang ilan naman sa mga gumagamit ng social media ngayong moderno na ang panahon, nakakaramdam raw sila ng kakaibang panghihina o kilabot na pakiramdam kapag tumingin sila ng matagal sa picture ng painting na ini-upload sa online. At ayon naman sa iba pang mga naka-angkin ng painting na iyon, nakikita raw nila ang kanilang mga anak na bigla nalang tumatakbo at umiiyak sa tuwing makikita ang painting. Natural lang daw sa isang batang maliit ang matakot kapag nakakita ng nakakatakot na imahe o palabas, pero mas matindi raw magbigay ng takot sa mga bata ang painting na iyon kahit wala naman itong pinagkaiba sa mga normal na painting, lalo na kapag nakita ito sa personal at hindi sa litrato sa online.
Katunayan, gumawa nga noon ang Hollywood ng isang horror movie na pinamagatang 'The Hands Resist Him' na base sa tunay na kuwento ng dalawang bata na naka-drawing sa painting.
Mag-ingat! Pupuntahan ka ng dalawang bata sa "The Hands Resist Him Painting" sa mismong kwarto mo dito sa pinakabagong nobela na punong-puno ng kababalaghan. Isang nobela kung saan pagsasama-samahin ang mga bagay o kagamitan na pinamumugaran ng mga hindi matahimik na kaluluwa.
BINABASA MO ANG
KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1
HororHuwag basahin kung mahina ang loob. Lalo na sa gabi. Compilations of True Ghost Stories. Tagalog Horror Stories Based On Real Life Events