Bernardo de Galvez

335 7 0
                                    

 Haunted Portrait of Bernardo de Galvez  

Nababalot daw ng kababalaghan ang Hotel Galvez sa Galveston, TX dahil sa portrait ni Bernardo de Galvez na sinasabing 'haunted' raw.

Si Bernardo de Galvez ay ipinanganak noong 1746 at pumanaw noong 1786. Isa siyang Spanish Military Leader.

Matatagpuan ang portrait ni Bernardo de Galvez na naka-displey sa dulo ng hagdan pababa sa hallway sa Hotel Galvez. Ayon sa kumalat na kuwento, sinusundan raw ng mga mata ng painting ni Bernardo de Galvez ang sinumang napapadaan sa painting na iyon na nakasabit sa dingding. May mga nakapagsabi rin na sa tuwing madadaanan nila ang painting na iyon ay nakararamdam raw sila ng kakaibang kilabot. Ayon naman sa mga turista o sa mga bisitang dumadalaw doon ay sa tuwing kinukunan nila ng litrato ang naturang painting ay hindi raw sila nakakuha ng clear shot o malinaw na litrato. Mala-skeletal image raw ang lumilitaw sa camera nila sa tuwing kukunan nila ng litrato ang nasabing haunted painting. Napag-alaman nila na hindi talaga sila makakakuha ng malinaw na shot kung hindi sila magpapaalam sa mismong pumanaw na taong naka-drawing sa painting na iyon sa pamamagitan ng panalangin.

Mag-ingat! Susundan ka ng mga mata ng "Haunted Portrait ni Bernardo de Galvez" sa pinakabagong nobela na punong-puno ng kababalaghan. Isang nobela kung saan pagsasama-samahin ang mga bagay o kagamitan na pinamumugaran ng mga hindi matahimik na kaluluwa.

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon