November 2010. Sorry i fogot the date. Nung pina tira kami ng mama ko sa bahay nila tita, boarding house po ang bahay nila so tag-iisa kaming kwarto nila mama.
My tita passed away, it was August, 9, 2012 po. So ibig sabihin kami na ang naging care taker ng kanyang boarding house kasi ang mga anak nya ay nasa manila. 2 weeks after ng burol walang boarders so kami lang ni mama ang tao sa bahay. Minsan nakadinig kami ng mga animoy nag titimpla. Minsan naman parang may naka upo sa ""umba-ubma"" ( yan po ang tawag samin sa iloilo sa rocking-chair )
Pero di lang namin pinapansin ni mama.
Fast forward, sembreak namin nun wala paring boarders siguro natatakot rin sila. Palagi akong nag pupuyat sa computer kaya tanghali nako gumigising. Pero isang araw nanaginip ako. Sa panaginip ko may kamay ng isang babaeng humahaplos sa upper part ng katawan ko, papunta sa leeg ko at bigla nya akong sinakal, pilit akong nag pumiglas pero lumakas sya na parang naging lalaki na ang kamay. Umabot sa puntong gusto ko nang sumuko kaya hinayaan ko nalang at sinabing ""Lord tulungan moko"" nagising nalang ako na ang dalawa kong kamay ay nasa leeg ko at pawis na pawis ako.Nang ikwento ko kay mama ganun din daw ang nangyari sa kanya. Hangang ngayon po nangyayari parin ulit sakin.
Pero may nariring na akong mga chant or orasyon. Pero ganun padin sinasakal parin ako. Pero si mama hindi na.PS.1934 pa po pinatayo ang bahay nato. "
B3
Iloilo City
BINABASA MO ANG
KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1
KorkuHuwag basahin kung mahina ang loob. Lalo na sa gabi. Compilations of True Ghost Stories. Tagalog Horror Stories Based On Real Life Events