©Kentooy Nar's
Gusto ko ring ishare ulit ang Creepy experience ko sa University namin dito sa Negros Oriental. Negros Oriental State University Bais City Campus 2 ..
Ganito po ang pangyayari ..
Midterm exam po namin un Sa Bio subject namin 7:30-8:30pm kasi ang sched kaya conti nalang ang mga students dun .. Mga 15 students Lang kami nun na nagtake ng Exam. Meron akong 3 kaibigan na babae C mary ,angel,and jelly.
C mary at Jelly naghihintay nalang samin dalawa ni Angel dahil sabay kaming nagtake ng Exam ..
Habang nag take kami ng exam. C jelly at mary uminum ng tubig sa 2nd Floor ng building namin.
Dahil malayo lang kami nag take ng exam nasa ibang single building lang kami . so Malayo lang silang dalawa na naghihintay sa amin.
Sabi ni Jelly ng papaakyat na sya sa 2nd Floor ky mary na kakaiba ang kanyang feelings sa pag step nya sa hagdan. Ngunit c mary sumagot lang ng "Nan Gugma pa" na papatawa.
nagpatuloy silang pumunta sa 2nd Floor para uminum ng Tubig ..
Nang abot tanaw na nila ang Gripo sa 2nd Floor. Malapit ito sa Computer Lab namin. pero ang Computer lab namin ay wala ng Tao. pero pinailawan lang ang labas nito kay my liwanag lang sa my gripo .
Nang binuksan na ni jelly ang gripo malakas daw ang daloy ng tubig. Nang iinum na sana sya bigla nalang Itong namatay.tas inikot-ikoy nya yung bulb ng gripo d na talaga nagbigay ng tubig.
Nagtawanan silang dalawa ni mary. ngunit nagulat sila nang bigla nalang Namatay ang ilaw kaya kinabahan sila ngunit d muna sila gumalaw. Laking takot nila ng Bigla nalang Nagalawan ang mga Upuan sa loob ng Computer Lab .Tsaka ang Keyboard ng ibang computer ay bigla nalang nag ta-type type wala nmang tao. Kaya nanindig ang buhok ng dalawa at biglang kumaripas sila tumakbo. dali2 silang bumaba sa 2nd floor.
Nang tapos na ang Exam namin ay tinawag kaming dalawa ni Angel nina Jelly at Mary na namumutla ang mga mukha
sabi ko : Ohh anong nagyari sa inyo ?
Sabi naman n Jelly: Tropa may mumu sa 2nd Floor. (Gulat na Gulat na nagsabi)
Ako:Tumawa. ohh andyan naman kayo sa Kathang isip nyo
Ngunit nang nagsalita si Mary mukhang napaniwala ako.
kaya sinabi ko. Tara! Puntahan natin.
Sabi ni jelly na wag na tropa baka magalit daw.
Sabi ko naman na. huh! Bat naman magagalit. titingnan lang naman.
Pero c mary at angel biglang tumakbo palabas . Naiwan kami ni jelly.
Kaya sinabihan ko sya. samahan mo ko tropa. Puntahan natin. (Ngiti mode) pa ako nun. para d sya lalong matakot.
pinuntahan namin .
pero ng papunta na kami.
nag biro ako sa kanya na "baka my tao lang jan."
sabi naman nya. "wala na ngang Tao jan."
kaya un pinuntahan namin ..
Nang papaakyat palang ako .
madilim na .
d natalaga Umilaw ang ilaw dun sa my hagdanan matapos itong ma off ng uminum sila ng tubig.
Nang Paakyat nako. d na sumama si jelly. pinanonood nya ko.
nang nakaabot nako sumilip ako sa Computer Lab at sa ilalim nitong Room na Music room. puro na to madilim.
Sabi ko. sa kanya "Wala naman Gumalaw ahh"
Sabi naman nya "Ingat ka" anjan nyan "
Nag pag lingon ko ulit sa Rooom
"Dun! !!! Nakita ko talagang gumalaw mag isa ang ipuan. di na sa Computer Lab.
kundi sa ilalim na. Sa Music room na. malapit doon c jelly. Kaya napansin nya ang pagalaw dahil Malakas tumunog ng Paa ng Upuan sa Pagalaw.
Sumigaw sya. "Tropa! ! gasp emoticon " ng my pagkagulat.
tumakbo sya ngunit hindi dumirecho dahil hinitay nya talaga ako.
Ako naman biglang naging Statue. di ko talaga magalaw ang paa ko at nagtayuan na balhibo ko sa kamay at batok.
Pero nanatili akong Kalmado. Tsaka .nagdasal ako ng Bisaya na dasal sa isip ko. kaya un Nakagalaw ako. ngunit bigla akong nag iinit. uminit ung tenga ko na sa isip ko gusto ko talagang makita ang gumalaw nito. ngunit wala nang nagpaparamdam. Kaya bumaba na ako.
C jelly,Mary,Angel ay naghihintay na sa akin sa Labas ng Campus namin.
Tsaka c jelly nagsalita. "Ohhh bat parang nsanban ka" Pabirong nagsalita.
Sabi ko naman "wala lang (w/ smile)
Sabi naman ni Angel " Ano tropa nakta mo? ?
sabi ko naman "Tanungin mo nalang c jelly. At dun. nag uwian na kami.
Hindi kami Kapitbahay ehh.
sila maglalakad lang pauwi pero ako dapat pa sasakay ng Bus pauwi .
Nakasabay ko Pag uwi ung Kaibigan kong c Louie Jay.
2nd Year College sya Based major in TLE.
anong nakain ko ng bigla ko natanong sa kanya . "Bhaii, may napansin ba kayo na kakaiba jan sa 2nd Floor Com Lab at First Floor Music Room?
At dun sabi nya. Oo Bhaii. my kakaiba jan. bigla lang mag pindot mag isa mga keyboard jan kahit my tao pa.
sabi ko naman "Weeh! "
sabi naman nya "totoo yan bhaii. "
dagdag pa nya "Nung enrollment bhaii yung kaibigan kong taga encode ng schedule. nagabihan sya sa pag encode kasi madami ung ini encode nya. tas ung mga ibang kasamahan nya umuwi na. Sya nalang Natira. ng natapos na nya ang ini encode nya ay nag shut down na sya sa mga computer na ginamit ng iba na di sina-shut down. Pagkatapos Nagwalis sya at nagprepare para umuwi. Tapos nang patayin na sana nya ang ilaw ay Bigla nalang nag Type ang Keyboard nang isang computer malapit sa kanya . Dahil sa takot nya di sya nakalingon. Dali-dali syang lumabas at naglock ng pinto. At tumakbo na ng walang2 palingon2. "
Sabi ko naman " Kagaya sa pangyayari samin kanina"
sabi din nya "Ingat lang kayo bhaii. baka magalit dahil nakaistorbo kayo " dagdag din nya.
Sa typing Room den. bigla nalang mag ta type kahit walang tao sa loob. "
Sabi ko din "kakamangha naman yang lugar na yan "
Sabi nya " Buti nga bhaii yan lang sa atin. pero di natin alam sa ibang Universities Malala pa"
Sabi ko din. Oo nga naman bhai. tama kadin .Tapos naming mag usap ay naglakad na kami pauwi.
At hindi ko mabura sa isip ko ung pangyayaring un.
Kung ano yun. Mananaliti ung Misteryong un sa isip ko. Hanggang sa susunod naming Pagtagpo.
Sa susunod ulit ang ibang true life story at experience ko.
Salamat
BINABASA MO ANG
KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1
HorrorHuwag basahin kung mahina ang loob. Lalo na sa gabi. Compilations of True Ghost Stories. Tagalog Horror Stories Based On Real Life Events