Sabi nila yung pagiging dormer daw ang challenge sa mga probinsyano/probinsyana na nagcocollge. Hahaha totoo nga, kailangan mo laging magkipagunahan sa mga tao sa banyo lalo na kapag common yung cr,tapos kapag di ka pa sanay sa pagdudumi ng may kasama tyaga-tyaga talaga. Minsan sa sobrang kailangan mong makipagunahan sa kanila gigising pa ng sobrang aga para lang masigurado na ikaw lang ang tao sa banyo. Ganun kasi ako, nasanay akong tahimik lang yung paligid ko kapag naliligo o tumatae. Tsaka sobrang mahiyain kasi ako.
So nung nagcollege ako ganun yung naging routine ko since maaga din naman ang klase ko— gigisIng ng alas kwatro, maliligo, dudumi, toothbrush lahat na tapos maghihintay nalang ako ng oras para bumyahe papuntang school.
Isang beses maaga ako gumising mga bandang 3:45 magrereview kasi ako, bitbit k na agad yung twalya at gamit ko pangligo isinampay k na yung twalya ko sa pinto ng cubicle nung marinig ko magsara yung pinto dun sa dulo. Normally ako lang talaga nalligo ng ganitng oras kaya himala nalang na may makaksabay ako.
Bumukas na yung gripo niya so ako hinayaan ko nalang at binuksan ko narin yung akin at naligo na. Nagshashampoo na ako nung biglang nawalan ng tulo tapos nagflicker yung kuryente napamura pa ako. Pero yung nasa dulong cublicle parang wala lang. Nagbanlaw ako kaagad,grabe sa isip-isip ko ang tahimik naman niya. Nagsalita ako ""Ate, maaga din ba pasok mo?"", nagkukuskos ako ng paa habang hinihintay siyang sumagot. Pero wala. Nagbanlaw na talaga ako saka nagtapis. ""Uy ate una na ako ha"" sabi ko bago lumabas sa cubicle, inunlock ko yung pinto saka tinulak pero ayaw bumukas parang may pumipigil sa labas. Nainis ako, pero yung inis ko napalitan ng kilabot nung biglang nilamig batok ko. Syempre probinsyana ako at mapamahiin. Alam ko yung mga ganung klaseng kilabot. ""Ate sige na palabasin mo na ako."" Nagmatapang ako kasi sabi ni lola di daw dapat natatakot sa ganyan. After ilang segundo nabuksan ko yung pinto. Sinilip ko yung last cubicle mula sa kinakatayuan ko, bukas na yung pinto, sunod kong tiningnan yung sahig medyo basa pero simula lang dun sa cubicle niya hanggang sa akin tuyo na yung papunta sa maindoor ng cr. Mahigpit ko hinawakan yung twalya at iba kong gamit. Sinisilip ko isa isa yung mga cubicle na medyo nakaawang yung pintuan. Kahit na parang lalabas na yung puso ko sa dibdib ko pinilit ko parin silipin yung last cubicle, basa yung flooring at puno yung timba. Tumalikod na ako kasi kinilabutan na ako tapos parang may kumalabit pa sa batok ko, pero bago pa ako makalabas narinig kong parang may nagpapadyak dun sa tubig. Malakas parang gusto niya talagang malaman ko na nandun lang siya.
Simula nun medyo late na ako naliligo. Nagtitiis nalang ako sa pila pero tuwing maaga tlaga ako naliligo o di kaya kapag naghihilamos bago matulog nararamdaman ko talaga siya. Di lang pala ako nung pinaparamdaman niya pati pala ibang dormers tinatakot niya at nakita narin pala siya ng tatlo sa mga dormmates ko.
Judith
Quezon city
BINABASA MO ANG
KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1
HorrorHuwag basahin kung mahina ang loob. Lalo na sa gabi. Compilations of True Ghost Stories. Tagalog Horror Stories Based On Real Life Events