Kwarto

436 8 0
                                    

 Hi,just call me Jael. let me share a creepy story dahil Nov 1 na man ngayon. it happened nung second time ko nag boarding house malapit sa workplace ko. concrete sya with 3 floors at bagong building sa likod lang ng mall kaya nagustuhan ko sya. babae yung landlady. may carenderia sa ground floor kaya sya at yung workers nya andun parati. separate din yung bahay nila. napag alaman ko din na all girls kami at yung 3rd floor pa lang yung naooccupy kasi nga new building sya. sa apat na kwarto sa 3rd floor, ako lang ang walang roommate. yung room ko nasa sulok. ako lang din ang maaga dumating from work mga 4pm ganyan. yung boardmates ko mga saleslady sa kalapit na mall kaya mga 8pm pa yung earliest na nakakauwi. so from 4-8pm, ako lang mag isa sa buong floor, buong building.

nung isang week pa lang ako doon,wala pa naman akong nararamdaman. pero nung mga second to third week,di na ko nakatiis. pagdating ko from work 4pm, eh humihiga agad ako. yung ulohan ko nasa tapat ng pinto. exactly 6pm kasi everyday of the week, may naririnig akong humihilik sa left side ko which is malapit sa pinto. nung una,di ko lang pinapansin. baka kako sa kapitbahay, malakas lang talaga humilik. pero nung ilang beses na,nag imbestiga na ko. tinanong ko yung may ari kung may lalaki ba sa kalapit kwarto ko o may natutulog ba sa bahay nla around 6pm na malakas humilik. napuzzled ako nung tinawanan nya lang ako. sabi nya hindi pwede ang boarders na mga lalaki. wala rin daw natutulog sa pamilya nla around 6 kasi nga busy sa carenderia. tiningnan ko din yung position ng bahay nla. hanggang 2nd floor lang at may space pa between sa building. hindi totally magkatabi. naalala ko tuloy na auditory talaga ako pagdating sa mga kababalaghan. marami na ko experiences dyan.
ginawa ko, nagtanong ako sa mga boardmates ko kung naranasan din ba nla makarinig ng naghihilik pag andun cla,sabi nla wala naman. nag research ako. ibaiba yung sabi. meron din sabi nung napanood ko, baka daw may kapre dun. hndi daw yun hilik, hininga lang nila yun. as in ganun kalakas!

days passed, mas matagal na tuloy ako makatulog. mga 12 midnight na yun,pinatay ko yung ilaw. nanaginip na ako. sa panaginip ko, may maitim na lalaki sa left side ko nakahiga. nung tumalikod ako sa kanya, niyakap ba naman ako ng pagkahigpit mula sa likod, di na ko makahinga! nagising ako, hinang hina ako. para kasing totoo. uminom ako ng tubig. nagsindi na ko ng ilaw. 3am na. balik ulit sa tulog. nanaginip na naman ako. galit na yung lalaki sa panaginip ko,parang ayaw nya umalis ako. pero dun lang talaga sya sa likod ng pinto. nung magising ako,kahit 4am pa lang,di na ko natulog ulit. nagsaboy ako ng asin (turo ng nanay ko) sa lahat ng corners ng room. sabi ko lubayan nya ko!

so naikwento ko sa babaeng workmate ko na may naghihilik sa room ko. di sya masyado naniniwala. isang gabi, inimbita ko sya mag sleepover dun sa boarding house ko. nagpaalam ako na magsisimba muna ako so mga 9pm pa ako makakauwi. maghihintay na lang daw sya sabi nya. mga 5pm na kasi kami nakarating s room. humiga sya agad. iniwanan ko din syang nakahiga. pagkatapos ko sumimba,umuwi ako agad mga 9:30 na yun. laking gulat ko nung nakita ko syang tulala sa labas ng kwarto ko. yung ibang boarders inaabutan sya ng basong tubig. tanong ko anong nangyari. tumingala sya sakin. nanginginig, sabi nya,"totoo nga. may humihilik sa kwarto mo!" since hindi ko naman namention sa kanya kung saan banda may naghihilik, tinanong ko sya. sabi nya, "sa left side ng bed, sa likod ng pinto!" kinilabutan ako! galit ako pumasok ng kwarto. nagsaboy kami ng asin sabay sabi "in jesus' name,umalis ka!". magkatabi kami natulog nun. maayos yung tulog ko kasi malayo ako sa pinto. pero yung kaibigan ko magdamag di nakatulog. sabi nya mabigat kasi pakiramdam nya parang may dumadagan sa kanya. pag pumipikit naman sya, parang may nakatitig sa kanya.

nung umaga ring yon, nagpaalam na ko sa landlady na lilipat na ako ng boarding house. pag kinukumusta ko yung boardmate ko dati, sinasabi nya na wala daw nagtatagal na boarder dun sa naging kwarto ko.  

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon