TANIKALA SA PUTIKAN

312 7 0
                                    

1999

Ako nga pala si Amy. Five lang ako. Papasok na ako sa school. Ihahatid ako ni mama. Habang naglalakad kami nakakita ako ng mga toys dun sa kabilang bangketa. Nagningning ang mga mata ko. "Mama gusto ko nun." sabi ko. "Mamaya na anak malelate ka na." at magpapatuloy na sana kaming maglakad ng umpisahan kong umatungal. Umupo ako sa sahig at nagpapadyak ako. Alam ko bibilin yun ni Mama. Bunso ako eh. Love na love nya ako. Napakamot si Mama sa ulo nya. "Amy tama na. Tsk ! Sige na tayo na jan eto na eto na bibili nako" pagpapatahan sakin na ikinatigil ko ng pagngawa. "Dito ka lang , tatawid ako sa kabila at ibibili kita. Wag na wag kang tatawid okay ?" bilin ni Mama at itinabi sa akin yung Hello Kitty ko na stroller. Tumawid si mama at bumili. Kausap nya ung matanda. Madaming sasakyan na dumadaan. Maya maya may humintong puting van sa harapan ko. Natakpan nya si Mama na nasa kabila. May lalaking bigla nalang akong hinablot papasok sa van. Sumigaw ako "MAMAAAAAA" Isinarado ang van at mabilis itong pinaharurot. Nakita ko si Mama na nabitawan ang pinapabili ko at nag iiyak sa kalsada. Nag sisisigaw din ako sa loob ng van kung kayat nilagyan nila ng packaging tape ang bibig ko. Nilagyan din nila ako ng piring sa mata. Narinig ko ang pagbukas ng van at binuhat ako. Pagkatanggal ng piring nakita ko ang isang kwarto na may lampshade. May kama at cabinet. "Magpahinga ka na." sabi nung lalaki. Tinanggal nya ang tape sa bibig ko. Kinalagan nya ako. Lumabas siya sa pintuan at nilock ito. Wala akong nagawa kundi umiyak sa kamang hinihigaan ko. Sana hindi ko inartehan si Mama. Sana di ko pinabili yung laruan. Pinagsisisihan ko yun ng sobra. Wala ako magawa kundi umiyak ng tahimik. Takot na takot ako. Patuloy ang aking pagiyak hanggang sa aking pagpikit nilamon na ako ng katahimikan.....

-Succubus

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon