Parang tinapay na bagong ahon sa pugon ang alaala ng mga empleyado sa QAMC tungkol sa janitor na dumudungaw sa elevator noong nakalilipas pa lamang na Friday the 13th. Ayon sa report sa TV e nawalan daw ng kuryente ang ospital bandang alas-otso ng gabi. Itong janitor ay may narinig na sumisigaw sa elevator kaya pilit niyang binuksan ang pinto. Dumungaw siya at nakitang may isang palapag pa ang elevator bago ang palapag kung saan siya nakadungaw. Aalis na sana siya para bumaba at saklolohan ang sumisigaw sa elevator nang biglang magkaroon ng kuryente at agad sumara ang pinto ng elevator. Naipit ang kanyang leeg at napugutan pa nang umakyat na ang elevator.
Bagama't ilang ulit na ring pinabendisyunan ang elevator at ang mismong palapag kung saan nadisgrasya ang janitor, bali-balitang meron pa ring bigla na lang dumudungaw na pugot na ulo bandang mga alas otso ng gabi.
Madalas pagpakitaan ang mga nurse at doktor na nagra-rounds sa mga pasyente at mismong mga bagong janitor din! Kaya naman, mas maraming empleyado ang gumagamit ng hagdan sa gabi, kahit pa nasa 7th floor ang kanilang pupuntahan.
BINABASA MO ANG
KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1
HorrorHuwag basahin kung mahina ang loob. Lalo na sa gabi. Compilations of True Ghost Stories. Tagalog Horror Stories Based On Real Life Events