Wedding Dress

309 6 0
                                    

Noong 1849, isang babaeng anak ng mayaman na nagngangalang Ana Barker ay napamahal sa isang mahirap na lalaki. Dahil hindi ito gusto ng kanyang ama para sa kanya, pinalayas nito ang lalaki sa tahanan nila kaya nagkaroon ng sama ng loob ang babae hanggang sa pumanaw ito. Bago ilayo ng ama nito ang lalaki, bumili si Ana ng isang wedding dress na dapat sana ay isusuot nito sa kasal nila pero hindi ito natuloy nang pumanaw nga ang babae makalipas ng ilang buwan.

Pagkalipas ng ilang mga taon, ang Baker Mansion ay muling iniayos at ginawa nang museum. Idinispley ang wedding dress ni Ana sa kwarto nito sa museum at ayon sa mga bumibisita, nakikita raw nila na gumagalaw mag-isa ang wedding dress sa kwarto nito lalo na kapag full moon. Ang wedding dress ay gumagalaw side to side, parang sumasayaw. Minsan ay lumalapit pa daw ito sa salamin at tila tinitignan ng isang hindi nagpapakitang kaluluwa ang sarili nito sa salamin habang soot ang wedding gown na iyon.

Ngayong moderno na ang panahon, inilagay ang wedding dress na iyon sa isang maliit na de salaming aparador. Ikinulong nila iyon upang hindi na ito magbigay ng takot sa mga bumibisita sa museum na iyon.

Mag-ingat! Yayakap sa'yo ang "Haunted Wedding Dress" pagsapit ng full moon dito sa pinakabagong nobela na punong-puno ng kababalaghan. Isang nobela kung saan pagsasama-samahin ang mga bagay o kagamitan na pinamumugaran ng mga hindi matahimik na kaluluwa. 

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon