Busby Chair

285 5 0
                                    

Ang Busby Chair na ito na makikita sa larawan ay matatagpuan sa Thirsk, England at ginawa noong 1669.

Ang upuan na ito ay ang paboritong upuan noon ng lalaking nagngangalang Thomas Busby, inakusahan siya dahil sa pagpatay sa kanyang biyenan kaya ito'y napaupo isang araw sa kanyang paboritong upuan at sumumpa na darating ang kamatayan sa mga taong uupo sa kanyang upuan at nang pumanaw ito, nagsimula na ang kababalaghan sa upuang iyon na tinawag nilang Busby Chair. Ayon sa mga balita, ang sinumang uupo sa upuang iyon ay namamatay. Marami nang mga namatay na tao dito, kahit noong World War II pa lang daw ay may mga sundalong namatay na rin dito matapos nilang upuan ang busby Chair at angkinin.

Ngayong moderno na ang panahon, matatagpuan na lamang ang Busby Chair sa isang museum at isinabit nila ito sa dingding para wala ng tao ang magtangkang umupo doon.

Mag-ingat! Papatayin ka ng "Haunted Busby Chair" sa pinakabagong nobela na punong-puno ng kababalaghan. Isang nobela kung saan pagsasama-samahin ang mga bagay o kagamitan na pinamumugaran ng mga hindi matahimik na kaluluwa

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon