My Guardian Devil

672 15 0
                                    

Simulan natin sa umpisa, nung pinagbubuntis palang Ako ay naikwento sakin ito ni mama.. Hapon na nun at sya Lang magisa sa bahay namin Dahil nagtatrabaho si papa samantalang ang mga kapatid ko ay nag lalaro sa labas. 7buwan na ako sa tyan nya, nasa pintuan sya nung at kinakapa ang tyan niya ng makita ang isang matandang naka itim at may suot na itim na ""Bandana"" pang takip sa ulo Nya.. naawa naman ang mama ko at pinapasok sa bahay para pakainin Dahil nga nagugutom daw ung matanda.. ipinaghain nya ito pero hindi nagsasalita ang matanda na nakatingin lang sa kanya.. natapos kumain ang matanda at bago umalis ng bahay pinabaunan ni mama ng mga biscuit at tinapay.. Nagulat ang mama ko ng hawakan ng matanda ang tiyan Nya at nagsalita na ""pitong buwan na pala ang tiyan mo, salamat sa pagkain ijah.."" nagulat nalang si mama at hinawakan din ang tyan nya habang naglalakad paalis ang Matanda.. Bago makalayo ito nagsalita sya na ""ipapabantay ko sya bilang pasasalamat"",. lumipas ang araw at nagtataka ang papa ko dahil simula nun ay nakaitim na lagi ng damit ang mama ko, Tapos naka bandana narin sya at tinatago ang muka nya.. pinatawas sya at nakita nga ang matanda, sabi ng albularyo itim na kaluluwa ang matanda at dapat ay hindi Nya nalang pinansin..

Nagamot na si mama, nung pinganak Ako hapon nun, sakto pag labas ko kumidlat ng malakas pero wala naman ulan. naiuwi na ako ng mama ko galing hospital pero may itim daw lagi na nakabantay sakin Kaya ayaw nya ako iwanan.. 8months nako nagtitimpla sya ng gatas ko sa kusina ng marinig Nya na tumatawa Ako mag isa nagmadali sya papunta sakin ngunit bago sya makarating ay may itim na anino na nanggaling sakin bago nawala. madalas nangyayari un.. sa picture ko may itim na anino, nagulat nalang minsan ung mama ko na may hawak na akong dede pero di naman nya Ako ipinagtimpla..
Fast forward:
lagi ko syang nakikita sa panaginip ko, isang itim na babae ang nagbabantay sa akin.. Ewan ko kung bakit lagi syang nakasunod sakin,
di nya naman ako sinasaktan basta binabanyan nya Ako... At promise hindi maganda ang itsura nya.. Nakakatakot sya, pero nasanay na Ako.
tuwing nilalagnat Ako, magugulat nalang Ako sa umaga na wala akong damit tanging brief lang pero di ko maalala na naghubad Ako wala din naman pumasok sa kwarto nun.. pero isa Lang ang sigurado, magaling nako agad. Isang gabi napasilip ang Lola ko sa kwarto ko, may nakita daw syang katabi kong babae na itim na nakayakap sakin. ang mama ko naman pag matutulog Ako sisilip sya at makikita nanaman ang Anino.. pag hindi ko natapos ang sinusulat ko at assignement sa school at natutulugan ko nalang magugulat Ako bukas Tapos na lahat...
madalas ang dalaw ng Guardian devil ko dati pero nung nagka girlfriend Ako, parang naging sakitin Ako... di ko na masyado nakikita ang guardian devil ko, binabantayan Ako ng gf ko pero pati sya napapansin ang tila Itim na anino pag nalilingat sya sakin. nung hinalikan Ako ng girlfriend ko... First kiss ko sya, napatigil kami saglit ng bilang kumalampog ung kabinet kasabay ng pagbagsak ng lotion, pabango at pulbo sa gilid nun.. namatay ang ilaw kaya tumakbo kami palabas..
kinagabihan nagdasal Ako bago matulog na sana lubayan nako ng itim na babae na yun.. Nakatulog na Ako, nanaginip ako na may kamay sa harapan ko at sinasabi ng babae na kamuka ng GF ko ""Tara na,.. Sumama kana sakin."" .. ""duon mas mababantayan kita, hindi ka malulungkot mahal."" Parang ginagaya nya ung girlfriend ko pero alam ko na Hindi un ang girlfriend ko., Sabi ko ""Sino kaba? Alam ko hindi ikaw ang girlfriend ko! Bakit kaba nakabantay sakin lagi?"" ... Sabi Nya ""Tara na, iwanan muna lahat ng Meron ka at sumama saken. Doon masaya lang lagi, ibibigay ko lahat ng gusto mo.""
sabi ko. ""AYOKOO!! please lang ayoko sumama sayo."" pinipilit kung gumising pero ayaw talaga.. ""Sige, Pag hindi ka sumama sakin kukuha ko sya.."" Sabi ko ""waaaag! Please wag!"" bigla nalang akong nagising.. Umiiyak Ako..
Kinabukasan naaksidente ang sinasakyang motor ng girlfriend ko at ng kuya nya.. ligtas ung girlfriend ko pero ung kuya nya nagkaroon ng crack sa bungo at nagka amnesia... pero simula ng nangyaring yun, di na kami ulit ginulo ng guardian devil ko. naayos na ang lahat.. pero alam ko sa tabi ko, lagi syang nandyan para magbantay..
creepy pero nagpapasalamat nadin Ako at nililigtas nyako sa kapahamakan at inaalagaan.

END

KABA, KUTOB, KILABOT BOOK 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon