Kathryn's P.O.V.
Ako nga pala si Kathryn Mae Bernardino, Isang Simple Girl at Mahilig ako sa Fashion pero mas mahilig talaga akong Magluto, Namana ko yun sa Mama ko na isang Chef..
Pero Kasalukuyan akong naglalakad pabalik sa Bahay dahil sa hindi ko maipaliwanag na Paglalaho ko habang nasa CR ako, buti nalang walang tao sa Cr noong mga oras na iyon dahil kung nagkataon mas tatawagin nila akong FREAK at kung ano-ano pang Tawag, Hindi ko na maintindihan ang mga nangyayari sa akin dahil noong Bata pa ako mabilis akong nakakapagpatubo ng halaman at minsan nakaririnig ako ng mga kung ano-ano, Mga tawanan at sitsit pero hindi ko naman alam kung saan nanggaling..
Maya maya naramdaman kong may humawak sa balikat ko
"BOOOH!!" napahawak ako ng mahigpit sa libro kong daladala
"Ikaw lang pala yan Jennifer" Siya ang matalik kong kaibigan since Elementary pa
" Parang nakakita ka naman ng Multo" natatawang sinabi nito sa akin
" Pasensya na malalim lang talaga ang iniisip ko ngayon"
" Ano namang iniisip mo?" nagtatakang tanong niya
"Nangyayari nanaman kasi yung mga Weird na nararamdaman ko"
" Ano nanaman ang nangyayari? Dati nalutang ka, Nakakapagpatubo agad ng mga halaman at Nakakarinig ng kung ano-ano, HMM.. Ano nanaman kaya ang nangyayari sa iyo?"
"NAGLAHO ako kanina" bulong ko sa kanya
"Ay. kaloka ka talaga Friend, siguro nagdradrugs ka no?" nagtatakang tanong nito na halatang hindi makapaniwala
" Mukha ba akong nagdradrugs? sa ganda kong ito? Drugs talaga? hindi ba pwedeng baliw muna?"
"Ito hindi na mabiro, Alam mo hindi na ako magtataka kung Isang araw nasa dyaryo ka na at Isa ka ng SUPER HERO" Biro niya sabay taas pa ng kamay na akmang lilipad
"hahaha.. Hindi na kasi ako nagbibiro seryoso ako" umupo ako sa upuan na nasa Waiting shed sabay upo rin naman niya
"Edi sorry naman, Seryoso ka ba talaga? baka puyat lang yan? matulog ka kasi sa tamang oras"
" Ewan ko baka nga puyat lang.. baka puyat nga lang" Tumayo na ako at naglakad samantalang si Jennifer ay nagpaalam dahil may klase pa siya
Hindi na muna ako papasok dahil natatakot ako na baka mangyari nanaman yun, Habang malalim parin ang iniisip ko hindi ko napansin ang babaeng nakahood sa harap ko kaya nagkabanggaan kami, Nahulog ang mga gamit ko kaya pinulot ko ito,
"Ano ba yan hindi Manlang marunong Magsorry"
Kaya Nagsorry naman ang babaeng nakahood pero napansin kong nagmamadali siya kaya hindi na niya ako natulungan
Habang dinadampot ko ang mga Libro ko napansin ko ang isang Librong ITIM na mukhang naiwan ng Babaeng nakasalubong ko kanina, Hinabol ko yung babae pero hindi ko na siya naabutan ..
Tinignan ko ang Libro pero wala itong nakasulat na Pangalan o Title manlang sa harapan, Sa itsura palang ng Libro mapapansing Luma na ito pero makapal ito at may matigas na Cover Page ... Panahon pa yata ni Kopong kopong ang Librong ito pero noong bubuksan ko na ito Parang May Pandikit ito na Ayaw magbukas ano mang pilit kong buksan ..
Ano kaya ang Librong ito, At sino naman kaya ang babaeng iyon?
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfiction((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...