KASALUKUYAN

1.8K 59 15
                                    

KAHARIAN NG MGA FAIRY
KATHRYN'S P.O.V.

Nasaan ako? Hala. Bakit Ang lalaki ng mga Dahon dito? Ano itong Suot ko?

Malapit ako sa Ilog, Napatingin ako sa Tubig at Nakita ko ang Itsura ko, Hindi ko alam kung ako pa ba ito?

"Yu-yung Buhok ko? Naging Blonde... Ako ba talaga ito? Teka lang Nasaan na ba ako? Anong Lugar ito?" sabi ko habang Kinakausap ko ang Sarili ko dahil wala naman akong Nakikitang Tao sa Paligid ko

Inilibot ko ang Paningin ko sa Paligid at Nakita ko ang Naglalakihang mga Halaman, mga Bulaklak at Mga Prutas na kasing Laki ko rin, Namamangha ako sa lugar kung nasaan ako ngayon

"Ano bang lugar ito?"

Maya-maya may Aninong Lumitaw na Nagmula sa Himpapawid, Nagulat ako noong Nakita ko ang Dambuhalang Paru-paru na may Ibat-ibang Kulay sa Kanyang Pakpak, Napakaganda niya pero Hindi ko Maiwasang Matakot sa Laki nito

Dumapo siya sa Malaking bulaklak, Habang Pinagmamasdan ko ang malaking Paru-paro may Narinig akong Napakagandang tinig na napakasarap pakinggan mula sa Batuhan ng Ilog

"Ano naman kaya iyon?" Sabi ko sa Isip ko

Dahan-dahan akong Lumapit sa Batuhang Iyon, Habang papalapit ako namangha ako noong nakakita ako ng Buntot ng Isda pero kulay Blue ito at nagpatuloy ako sa Paglapit

Nagtago ako sa Batuhan at Unti-unti akong Sumilip, Nakita ko ang Isang Babae na Kumakanta pero ang Kalahati niya ay Buntot ng Isda

"Isang SERENA" medyo napalakas yata ang boses ko kaya napahinto sa pagkanta ang Babae

Agad akong Nagtago para hindi niya ako makita, Noong wala na akong Marinig na Boses sumilip na ulit ako at Nakita kong Wala na ang Serena sa Kinapwepwestuha niya kanina

"Serena?... Malaking Paru-paro?... Ano klaseng Mundo ito"

Kahit NakaPaa lang ako Hindi ko mararamdaman ang Mabatong lupa, Parang Tumatapak ako sa Bulak kaya Naglakadlakad muna ako

Iniisip ko kung Paano ba ako Nakapunta dito at Paano ba ako Makakaalis dito dahil hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sa akin sa Lugar na ito

Lakad Doon, Lakad dito... Napakarami kong Nakikitang Nakakamangha tulad ng Higanteng Caterpillar na natutulog, mga Alitaptap pero nanatili itong maliliit, Isang Waterfalls na Napakalinaw ng Tubig, at Kung ano-ano pa.

Natigil lang ako noong Nakarinig ako ng Tawanan sa Itaas ng Nakasarang Bulaklak na Pagkalakilaki, Nagtataka ako dahil may Butas ito at May Liwanag na Nanggagaling sa Loob nito

"Wow! Ang Cute naman nun"

Habang Nakatingin lang ako sa bulaklak na iyon biglang may Tumunog na Trumpeta kaya may Lumabas na Lumilipad na Nilalang sa Bulaklak na ito, Parang Tao pero may Pakpak siya

"Bilis, Mahuhuli na tayo.." Sigaw nito sa Loob ng Bulaklak at May lumabas na mas bata pang nilalang

"Ate, Hindi nalang ako sasama" hinila siya ng babaeng unang lumabas ng Bulaklak

"Huwag ka ng Makulit" sabay Lipad ng Pagkabilis bilis

Nakatulala lang ako sa kanila habang Lumilipad sila paalis, Nakalimutan kong Kailangan ko pala ng Tulong para makaalis ako dito

Kaya Natauhan ako at Agad ko silang Hinabol

"Saglit lang! Kayo na Lumilipad! Wait lang!" Sigaw ko pero hindi parin nila ako marinig dahil malayo-layo sila sa akin

Napapagod na ako sa pagtakbo dahil napakabilis nila, Hindi ko na kinaya kaya Tumigil na ako, Huminga muna ako ng Malalim at Pagtingin ko sa Himpapawid ang Daming mga Nilalang na Lumilipad at Nagmamadaling Makapunta sa Direksyong iyon

We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon