ALDUB&KATHNIEL
Nakita na nga ng Dalawang Vampire ang Prinsesa ng mga Fairy ( Alam naman nating si Kathryn yung Prinsesang yun ) Kaya Ito na ang susunod na pangyayari...
Kasalukuyang nasa loob na ng bahay sila Maine, Richard, Kathryn at yung mama ni Kathryn. Nag uusap sila tungkol sa Sinabi ni Maine kanina
"Alam na namin ang sinasabi nyo, kaya nga kami Umalis sa Imahinarnya" sabi ng nanay ni Kathryn
"Pero iba na Ito, malapit na ang kabilugan ng Buwan, Malapit ng makalaya ang Hari ng mga Demons, At hinahanap narin ng mga Demons ang 2 Prinsesa" pagpapaliwanag ni Maine
"Dalawang Prinsesa? Ang alam ko Tatlong Prinsesa" tanong ng mama ni Kathryn
"Tatlo? Baka nagkakamali po kayo, Dalawa lang" pamimilit ni Maine
"Hindi na mahalaga kung ilan ang Prinsesa, ang mahalaga mapanatili nating ligtas si Prinsesa..." Naudlot na pagsasalita ni Richard
"Kathryn, Kathryn nalang Hindi ako sanay tawagin na Prinsesa, pwede bang hinay hinay lang tayo kakaalam ko lang ng tungkol sa mga Fairy tapos Vampires naman ngayon at ano naman ang sinasabi nyong hinahanap na ako ng mga Demons, wala naman akong atraso sa kanila ah" Halatang kinakabahan na sa loob si Kathryn dahil Biglaan ang mga nalalaman niya at medyo nagAadjust pa siya tungkol sa Imahinarnya
"Huwag kayong mag alala Prinse... Kathryn pala, Hindi namin hahayaang makuha kayo ng mga Demons" sabay halik sa Kamay nito
Nagulat naman si Maine at nanlaki ang kanyang mga Mata noong halikan ni Richard sa Kamay ang Prinsesa
"May pahalik halik pang nalalaman toh" bulong nito pero narinig naman ni Richard
"Hoy, sinong may sabing pwede mong halikan ang kamay ng Anak ko" paninita ng mama ni Kathryn
"Pasensya na po, Pagpapakita lang po ng paggalang" pagdadahilan ni Richard
"Pagpapakita raw ng paggalang, Kunyari pa siya oh!" Mahinang bulong nito pero narinig ulit ni Richard at rinig narin ng Dalawang Fairy
Inakbayan niya si Maine at diniinan ang paghawak dito "Pasensya na kayo, Nagbibiro lang sila" sabay ngiti na parang aso
"Oh sige, baka gutom na kayo kaya maghahanda na ako ng makakain" Dumeretso sa kusina para maghanda ng pagkain
Noong wala na ang mga Fairy, Mahinang nag usap ang dalawa na parang nagtatalo
"Alam mo halatang halata ka na" nakacross arm siya na nakangiti na nakakaloko
"Anong halata ka dyan?" Pagmamaang maangan ni Maine
"Naaamoy ko eh! Nararamdaman ko talaga" tinitigan niya si Maine na parang may nagawa itong kasalanan
"Anong pinagsasabi mo para kang Baliw" lumayo naman Ito pero nagtatapang tapangan parin
"Nangangamoy Selos? Hmm... Umamin na ang may dapat aminin"
Nagulat si Maine noong sinabi niya yun at natigilan siya"Alan mo ang dapat nating iniintindi yung paghahanap pa sa Isang Prinsesa, kung Ano ano ang mga iniisip mo, Dyan ka na nga kausapin mo yang anino mo" sabay lakad paalis ni Maine
Samantalang naiwan naman si Richard sa sala at tumingin tingin ng mga larawan na nakapatong sa Lamesa...
Habang nasa kusina naman ang Mag ina-inahan
"Mukha naman silang mababait lalo na yung lalaki" sabi ng nanay ni Kathryn sabay silip sa Lalaking Vampire "...At Gwapo" dagdag nito"Ma..!?" Paninita into sa nakadungaw na Ina "Bakit? Anong masama sa sinabi ko?" Tanong ng Mama niya
Napailing iling nalang si Kathryn sa inaasal ng Ina, Maya Maya tinawag na nila Ito para kumain
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfic((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...