Nadine's P.O.V.
"Anong Nangyari dito?"
Ito nalang ang Nasabi ko Habang Nakatingin sa kabuuan ng Wizardian Topia. Nasa Balkunahe kami ngayon ng Kwarto ng Mahal na Reyna
Tinignan ko si Reidario na Seryosong Nakatingin sa Buong Paligid
"Madilim ang Kalangitan... Nahuli na Tayo ng Dating, Nasakop na ng mga Demon ang Kaharian natin"
"Ibig sabihin ba nito... Nang dahil sa Kwintas na Suot ko, Nakapasok na ang mga Demon sa Wizardian Topia?"
Parang Pinagbagsakan ako ng Langit at Lupa Noong Makita ko ang Nasirang Kapaligiran ng Wizardian Topia. Halos Wala ng Natira dito at Abo nalang ang Nadatnan namin
Nalulungkot ako na Halos Sisihin ko na ang Sarili ko kung Bakit Nagkaganito ang Kahariang Kinabibilangan ko.
Dapat pala Nakinig ako kay Reidario na Dapat Bumalik na agad kami sa Imahinarnya, Dapat pala Sinabi ko kay Reidario yung mga Napanaginipan ko, Dapat pala Inintindi ko yung Mensahe ng Panaginip ko para Nabalaan namin ang Mahal na Reyna...
Marami akong DAPAT na Hindi ko Nagawa.
Pakiramdam ko, nang Dahil sa akin Mas Lalong Napapasama ang Mundong Ito. Nararapat pa ba akong maging Prinsesa? Mukhang Kamalasan lang naman ang Dala ko dito.
Hindi ko namalayan na may Tumutulo na palang luha sa mga Mata ko kaya agad ko itong pinanusan bago pa makita ni Reidario
"Huwag ka ng Umiyak, Walang Magagawa iyang mga Luha mo kung Iiyakan mo lang ang Nangyari sa Kaharian natin"
Halatang may Inis sa Boses niya kaya Sinamaan ko siya ng Tingin pero Pumasok lang siya sa Kwarto ng Reyna.
Hindi ko naman Masisisi si Reidario kung Magagalit talaga siya sa akin kaya tama lang siguro na Tanggapin ko ang mga Pang-aasar niya sa akin
Sumunod ako kay Reidario papasok ng Kwartong iyon pero Hindi ko na Masasabi kung Kwarto pa ba ito ng Reyna o Hindi dahil Nagkalat ang mga Gamit dito at Kapansin-pansin na Sinira narin ang Picture Frame na Nagsisilbing Pasukan at Labasan ng Silid niya
"Paano na tayo Lalabas?" Tanong ko kaya Reidario
"Gagamitin natin itong Mahiwagang Bola"
"Ahmm... Hindi ba pwedeng Umuwi na muna tayo, Hindi kasi Maganda ang Pakiramdam ko dito sa Palasyo"
Aaminin kong Natatakot ako Ngayon, Kung Nakapasok na Dito ang mga Demons, Ang ibig sabihin lang nun ay Marami ng Nagkalat na Demons dito sa Paligid ng Kaharian Lalong lalo na dito sa Palasyong ito
"Ano bang Sinasabi mo dyan? Hindi tayo Aalis hanggang hindi natin nahahanap ang Mahal na Reyna"
ANO?! Seryoso ba talaga siya? Hahanapin pa namin ang Reyna?
JUSKOLORD! Ipinagkakatiwala ko na po sa inyo ang Kaligtasan ko at Sana Matauhan naman itong Reidario na ito para Bumalik na ulit kami sa Mundo ng mga Tao
"Hindi ka ba Nakokonsensya sa nangyari sa Kahariang ito?" Seryosong sinabi ni Reidario habang Inaayos ang Iba pang Nagkalat na Gamit ng Reyna
"Anong Klaseng Tanong yan? Syempre naman may Konsensya ako at Mahirap para sa akin na Makitang Nagkaganito ang Mundong ito"
"Kung Ganun naman pala... Dapat nating Hanapin ang Reyna para Malaman natin ang mga Dapat nating Gawin"
Dahil sa Sinabi niyang Iyon, mas Napaisip ako at Narealize ko na Tama siya. Kailangan naming Hanapin ang Reyna pero Paano kung Wala na siya dito? Paano kung...
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfic((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...