VAMPIREZONE
Jake's P.O.V.
Nag-eensayo lahat ng mga Demons pero biglang Nagsitabihan ang mga ito na parang may Dadaang importanteng Vampire
Nakadungaw lang ako sa may Balkunahe ng Kwarto ko ngayon. Ang Natatanaw ko lang ay Itim na Karwaheng may Itim na Kabayo. Ito ang Sinasakyan ng mga Importanteng Panauhin ni Ama.
Bumaba ako para Tignan kung sino ang Dumating. Habang papunta ako sa Bulwagan kung saan naandon ang Trono ni Ama. Nakita ko na kung sino ba ang mga Dumating na Vampire
Siya ang Kapatid ni Ama, Si Tito Franko. Kasama niya ang mga Alagad niya sa mundo ng mga Tao at ang Anak niya na nakabihis ng PangTao.
"Nasaan ang Evil Master?" Tanong nito sa Guardiang Vampire na Nagbabantay Papasok ng Bulwagan.
"Nasa Loob po" sagot ng Bantay
"Padaanin mo ako, Dahil gusto ko siyang Makausap!"
Pinadaan naman siya ng Bantay at Nagpatuloy ito sa paglalakad. Samantalang ako naman ay nakasandal sa Dingding at Tinitignan ko lang sila.
Ano kaya ang nangyari sa Mundo ng mga Tao? Bakit kaya Napasugod sa Imahinarnya ang mga Hunter na ito?
Tinignan ako nung Anak niya pero Sinamaan ko lang ito ng Tingin kaya umiiwas agad siya ng Tingin na Parang Nagsusuplado.
Tsk. Tsk. Tsk. Asal TAO nga siya, Halata namang Wala siyang Modo... Saglit lang! Parang may Naaalala ako sa kanya..
Tinignan ko siya ng maigi, Noong huminto siya sa paglalakad at Tinanggal na niya ang Isang Bagay na nakalagay sa Tenga niya. Agad kong Naalala kung sino ang Nakikita ko sa kanya.
Kamukha niya yung Wizard na Nakalaban ko sa Mundo ng mga Tao. Kamukha niya yung Tumalo sa akin... Pero posible kayang siya yung Tumalo sa akin? Posible kayang alam niya kung Nasaan si Richard?
Nagmadali akong lumapit papunta sa kinaroroonan ni Ama, Nakaluhod na ang mga Hunter maliban kay Tito Franko at sa Anak niya.
"Bakit ka naparito, Aking Kapatid?" Sabi ni Ama
"Batid kong Alam mo na ang nangyayari sa Mundo ng mga tao, Sa aking palagay Hindi ka na nararapat na magbantay dito sa Imahinarnya" sabi ni Tito Franko sa mayabang na Paraan
"Anong Ibig mong sabihin?!"
"Hindi mo ba alam na Nakakalabas na sa Mundo ng mga Tao ang mga Wizard? ... Huwag mong sabihin na hindi mo pa ito alam" -Tito Franko
"Alam ko yun pero Huwag nyo ng Problemahin ang mga Bagay na ako dapat ang Namomroblema, Kumikilos na kami dito sa Imahinarnya para alamin kung Anong Mahika ang Ginagamit nila" -Ama
"Mukha ngang Gumagawa ka ng Paraan sa Pagkakaupo mong iyan *sarcastic* pero ganyan na ba Kahina ang mga Alagad mo ngayon? *Tingin sa akin* Akala ko ba nagpakalat ka ng mga Demons at Armazilian sa bawat Lagusan?" -Tito Franko
"Hindi ko alam kung paano sila nakakatawid pero isa lang ang Nasisiguro ko... Alam na nila kung nasaan ang Prinsesa "
"OO! ALAM NA TALAGA NILA! *pagalit* Alam na ng Reyna at Nasa Kanila na ang Prinsesa ng mga Wizard"
Biglang nagsalita yung Anak ni Tito "That's why we're here, Nangealam nanaman ang mga Wizard noong Nakuha ko ang Prinsesa nila, Napasakamay ko na ito pero nang dahil sa kapabayaan nyo... Napunta sa kanila ang Prinsesa"
Natawa kami ni Ama sa Sinabi ng Anak ni Tito Franko dahil sinabi pa niya ang Pagkakamaling Nagawa niya at Siya rin ang may Kasalanan kung Bakit Nakuha ng mga Wizard ang kanilang Prinsesa
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfiction((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...