"Magpahinga muna tayo dito" sabi ni Reidario at Agad napasandal sa Puno
Napansin naman ng mga kasama niya ang Dugo sa Braso nito
"Reidario, May Sugat ka" sabi ni Marcus
Napalapit naman si Nadine at Agad ding Inalalayan si Reidario, samantalang si Richard naman ay Inilapag muna si Maine sa may gilid ng puno para Makatulong
"Maghahanap lang ako ng Halamang gamot" sabi nito at agad na Umalis
"Reidario, Ok ka lang?" Tanong ni Marcus
"Hala, Ang dami ng Dugo ang Nawala sa kanya, Bakit kasi hindi mo agad sinabi?" naiinis na tanong ni Nadine
"Hindi ka naman ganito kung Manghina kapag Nasusugatan ka, Titignan ko lang yung Sugat mo" Tinanggal ni Marcus ang Hood ni Reidario at pinunit ang Manggas ng Damit nito
Lumapit naman si Hilarious para tumulong "Saglit lang... May Berdeng likido sa gilid ng Sugat niya, Hindi lang basta basta Palaso ang Ginamit ng pumana sa kanya, May Lason ito"
"Anong gagawin natin?, Hala... Reidario, Hoy! Halimaw huwag kang Pipikit" sabi ni Nadine dahil nawawalan na ito ng Malay
"Ti-tigilan... Mo nga ang... Ka-kayugyog sa-sa akin" sabi ni Reidario na halatang Nanghihina pa
Maya-maya dumating na si Richard at Agad ng umupo sa Gilid nito, Umalis naman si Marcus para hayaan nitong gamutin ang kaibigan
"Matindi nga ang Lason na Ginamit sa kanya, Hindi Sapat ang Dahong ito" sabi ni Richard
"Ha-hayaan nyo na.. Ako.. Mas mahalaga na ma-matagpuan nyo ang i-isa pang Prin-prinsesa" sabi nito habang naghihina
"Pero hindi ka namin kayang Iwan, Kahit Napakasama mo sa akin... Dapat kumpleto parin tayong babalik sa Wizardian Topia"
Natawa naman si Reidario sa sinabi ni Nadine at Pinilit niyang Idinilat ang mata niya "Nakaka-tawa ka ta-talaga.. Bas-basta, Mag-iingat ka-kayo.. Sa ti-ngin ko i-ito na ang ka-katapusan ko"
"Hoy! Halimaw! Wag ka ngang magsalita ng ganyan"
"Baka hindi na niya kayanin, Matindi ang lasong dala ng Palasong Tumama sa kanya" Sabi ni Richard
"Wala na bang ibang paraan para magamot siya? Kahit anong gamot?"
"Meron naman, nasa mundo ngalang ng IMAHINARNYA ang gamot... Pero sa Sitwasyon niya ngayon, Hindi na Aabot kung hahanapin nyo pa iyon"
Madilim na ang Kalangitan kaya Nagsindi na sila ng Apoy para Mainitan ang Kaibigan nila
Hindi makapaniwala ang Apat na Mandirigma na Wala na silang Magagawa kaya Lumayo muna ang mga Ito para makapag-isip
Samantalang si Nadine naman ay Nanatili sa Tabi nito, at Nakatingin lang sa mukha niya
"Akala ko magaling kang Makipaglaban, Kung sarili mo nga hindi mo mailigtas paano pa ako? Ikaw pa naman ang Pinagkatiwalaan ng Reyna para bantayan ako" pang-aasar nito
"Kahit magaling na mandirigma natatalo parin" mahinang sinabi ni Reidario
"Sus! Basta hindi ka parin Mahusay na Mandirigma para sa akin"
"Pa-pasalamat ka ta-talaga mamama-tay na ako" medyo napikon si Reidario sa sinabi ni Nadine
"Totoo naman eh! Anong mamamatay! Hindi ka mamamatay! Hayst! Napakabilis pang Sumuko!" Sabay hampas nito sa Braso ni Reidario
Pinigilan ni Reidario ang sarili para hindi mapasigaw dahil yung Sugat niya ang nahampas ni Nadine, Agad naman itong napansin ni Nadine
"Ay! Sorry... Masakit pa ba? Gagaling din naman yan"
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfiction((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...