CHAPTER 32:

1.5K 51 2
                                    

[Wala pa pong SPG dito, Kaya Huminga ng Malalim at Basahin itong OA na CHAPTER, Pampahaba lang po ✌

Pinaghalo-halong Scene ng Aldub, Jadine at Kathniel 😍

Para Sa mga Kathniel Fans naman po ang Huling Part! Hope you Like it 😁]

Author's P.O.V.

"Bakit ang tagal yata nila sa itaas?" Tanong ni Reidario Habang Pasilip silip sa itaas

"Hayaan muna natin sila mag-usap-usap siguro naman hindi sila mapapahamak sa itaas" sabi naman ni Richard

"Pero kanina pa sila dun, Umakyat na kaya ako?" Hahakbang na sana si Reidario sa Hagdan pero pinigilan siya ng Mama ni Kath

"Mga Iho, Tama ang sinabi ni Richard na Hayaan nyo muna sila,Heto ang Pagkain na Inihanda ko, Kumain muna kayo" Sabay Lapag ng mga Pagkain

"Salamat po" sabi ni Marcus at Agad kumuha ng Tinapay na may Cheese

"Dugo po ba ito?" Tanong ni Richard na Tinitignan ang Pitsel na may laman na Apple Juice

"Juice ang tawag dyan, Iho"

Isinalin ng Tagapangalagang Fairy sa Baso ang Juice at ibinigay kay Richard, Inamoy muna niya ito bago tinikman

"Iho, Anong lasa? Pasensya na Wala kasi akong Nabiling Dugo ng Baboy"

"Ayos lang po, ahm... Lalabas po muna ako para magbantay" sabay Lapag ng Baso

"Samahan na kita" sabi ni Steeve

"Ako din, Nakakainip pala sa Mundo ng mga Tao" sabi naman ni Clever

"Kami nalang ang maghahantay sa tatlong Prinsesa" sabi ni Hilarious na Inaayos ang mga Lason na Ginagamit niya sa Labanan

"Iho? Iho... Hayaan mo muna sila sa itaas, Bababa din sila Kapag nagawa na nila ang mga Dapat nilang gawin" tinawag ng Fairy si Reidario na Nakatingin parin sa taas kaya Lumayo na si Reidario sa may Hagdanan

Paupo na sana si Reidario pero biglang may Nagdoor bell sa labas

"Tao po? Tita!? Tao po?"

Nagkatinginan ang lahat at Agad na pumasok si Richard sa Loob ng bahay

"May tao sa labas, Siya yung lalaking Nangungulit kay Prinsesa Kathryn"

"Ahh.. Si DJ"

DJ's P.O.V.

Kakatok ba ako o Hindi?

Nasa Bahay na ba siya? Linggo naman ngayon siguro walang Ginagawa yun

Tinapos ko lahat ng Trabaho ko bago ako pumunta dito sa Bahay nila Kath kaya Hapon na ako nakarating at Kasalukuyan akong Nakatayo sa Harap ng Bahay nila, Hindi ko alam kung Magdodoor Bell pa ba ako o Aakyatin ko nalang yung Kwarto niya

Gusto kong Bawiin lahat ng mga Sinabi ko sa kanya kahapon, Gusto kong Humingi ng Sorry sa kanya, Galit pa kaya siya sa akin?

Bahala na, Basta Gusto ko na siyang makausap, pinindot ko na ang Doorbell

"Tao po? Tita!? Tao po?"

Ang tagal namang buksan ni Tita yung pinto, Baka wala sila Kath sa bahay nila ngayon o Baka Nagsimba sila ngayon, Uuwi na ba ako o Hihintayin ko sila?

Ang daming mga tanong na naglalaro sa isip ko ngayon, Kaya Tumingin ako sa may Bintana niya at Napansin kong Nakabukas ito kaya Alam ko na agad na nasa Bahay sila Ngayon

We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon