Chapter 1: The History

12.8K 237 25
                                    

Magsisimula sa pinakauna kung saan tahimik na namumuhay ang Tatlong kaharian sa Mundo ng IMAHINARNYA

Ang mundo kung saan mahiwaga ang lahat at May kapangyarihan ang kahit na sinong nilalang, Katulad ng mga Wizard na nilikhang may mahika sa panggagamot at kaya nilang kumontrol ng Isipan.

Ang mga Fairy na tagapangalaga ng kalikasan, ng karagatan at lahat ng nabubuhay sa kanilang mundo.

Ang mga Vampire na tagapangasiwa ng kapayapaan at kung kinakailangan ay Makikipaglaban sila para sa Kaharian na kanilang pinapangalagaan, Sa galing nilang makipaglaban at sa nakakatakot nilang bagsik tiyak na matatakot ang gustong sumalakay..

Sila ang tatlong kaharian na may Hari at Reyna rin (Syempre Kaharian nga diba?) Pero ang pinakainiingatan ng bawat Angkan ay ang Tatlong Birheng Prinsesa na Itinakda na maging kasalukuyan at Kinabukasang Kaligtasan ng Buong IMAHINARNYAN (Nagsisilbing PUSO ng kaharian)

Subalit Bawal dungisan ang pagkabirhen nila dahil mananatiling matibay at payapa ang IMAHINARNYA kung mananatili silang birhen..

Sa Hindi inaasang pagkakataon naganap ang Dilubyo sa buong IMAHINARNYA.. Ang Matagal ng Lagusan na iniingatan nilang huwag mabukasan ay Aksidenteng Nabuksan ng Isang Wizard, Kaya nakawala ang Kadiliman..

Sa Ilalim ng Lupa kung saan ang Kaharian ng Demon ang nag iisang namumuno, Puro kasamaan at Gulo ang hatid ng mga Demons dahil likas silang ginawa para magpahirap ng nilalang

Dumilim ang paligid, Unang sinalakay ang mga Wizard kaya natangay ang Prinsesa nito sunod ang mga Fairy ganun din ang nangyari at ang huli ay ang Kaharian ng mga Vampire kung saan nagtagal ang mga Demons sa pag ataki dahil magaling makipaglaban ang mga ito pero sa huli nakuha parin ang Prinsesa..

Sa kasamaang palad napasakamay ng Haring Regregator ang Tatlong Birheng Prinsesa, Ang Prinsesa ng mga Wizard na si Princess Wandy Joddi Glerz, Ang Prinsesa ng mga Fairy si Princess Bella Floral at ang Prinsesa ng mga Vampire Si Princess Dennis Blood ...

------ Nakatakas ang Tatlong Prinsesa sa pagkakatali

"Kailangan nating makatawid sa lagusan, Mauubos na ang lakas ko" Habang nalipad ng sobrang bilis

"Baka maabutan pa tayo ng mga Armazilians" sabi naman ni Prinsesa Joddi

"Mapapasabak nanaman ako nito, Ang papait pa naman ng mga dugo ng mga Armazilians na yan"

(Armazilian, sila ay mga Amazona pero Demons parin)

Biglang may lumipad na Palaso papunta sa kanila "Mga Demon Striker!" sigaw ni Princess Bella

Nakontrol naman ito ni Princess Joddi pero hindi parin sila ligtas sa mga Higanteng Demons

Natamaan ng palaso si Prinsesa Bella kaya bumagsak sila sa Red sand, Unti unting lumalapit ang mga kalaban sa kanila

"Tumakas na kayo!" nagbago bigla ang anyo ni Prinsesa Dennis, tinubuan siya ng mga Pangil at nagkaroon ng mahahabang Kuko

"Umalis na kayo, ako na ang bahala dito!"

"Saan kayo pupunta?" Tanong ng May kapang lalaki na nakalutang sa hangin

"Regregator! Grrrr..." mas pinahaba pa nito ang kanyang mga kuko

"Dakpin sila!"

Nakipaglaban sila sa mga Armazilians pero natalo parin sila at dinala sila sa Kaharian ng mga Demons kung saan gagawin ang Ritwal

(Ritwal?)

Ritwal na magpapabagsak sa buong IMAHINARNYA.. Kung saan tatanggalan ng pagkabirhen ang mga Prinsesa at maisasakatuparan ang pagsakop sa buong Mundo..

Naganap ang kinatatakutan ng lahat sa pagsapit ng Full moon ginawa ang Ritwal at sa pagsasagawa nito puro Iyak at Hagulgol ang maririnig.. Dumilim naman ang buong paligid Nawala ang mga Tala at ang Buwan..

Pero sa kabilang banda, Kasalukuyang Pinagtutulungan ng Tatlong Hari ng Tatlong Kaharian ang mga Demons kasama ang kani kanilang mga Mandirigma, Nakalagpas sila sa mga Demons kaya inaasahan nilang maliligtas pa nila ang kanilang mga Anak pero huli na ang Lahat ....

Agad na Nagpakawala ng Kapangyarihang Mahika ang Bawat isa gamit ang kani kanilang sing sing at Sa wakas Natalo nila at Nailagay sa isang Bote ang Hari ng Mga Demon pero kahit ganun ang nangyari hindi na muli maibabalik sa ayos ang mga nasirang kaharian dahil Hindi na Birhen ang Tatlong Prinsesa...

AUTHOR'S NOTE
Sana talaga walang magalit sa mga role ng Fandom ninyo, Ang totoo kasi natripan ko lang ang gumawa ng story, pagbigyan nyo nalang ako PLEASE! kung may mali ako sana huwag husgahan masyado..

We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon