Chapter 6:

3.1K 105 1
                                    

Nadine's P.O.V.

Buhay Studyante nga naman, Buti nalang natapos na ang araw na ito ang dami naming ginawa kanina, Kaya ngayon ay Nasa kwarto na ako at gumagawa ng bagong Story ko, Pero sa sobrang pagod ko nakatulog ako..

Maya maya nakarinig ako ng iyak ng sanggol at mga nagsisigawan na para akong nasa isang gera kaya Iminulat ko ang aking mga mata

"Ano ito? Bakit ang dilim dito sa kwarto ko" pagkatalikod ko may liwanag akong nakita kaya lumakad ako papunta doon

Mga batang nag aaral magpatubo ng halaman ang una kong nakita at nakita kong ring may mga lumilipad na tao gamit ang mga walis, Sobra akong naguguluhan kung anong nangyayari, Bakit ganito ang mga nakikita ko, Pero sa isang kislap mata biglang naglaho ang mga bata at ito'y napalitan ng APOY.. 

Makikitang nagiging abo ang paligid ... Pero Kitang kita ko ang tatlong Prinsesa na may daladalang sanggol, Ang isang Prinsesa ay may binigkas na salita para mabuksan ang isang lagusan papunta kung saan .. Nagpaiwan ang Prinsesa ng mga Vampire kasama ang sanggol na daladal niya pero ang dalawang prinsesa ay Pumasok sa Lagusan para Iwan sa magkaibang lugar ang kanikanilang sanggol..

"KRIIIIIIIIIIIIIIIIIIING!KRIIIIIIIIIIIING!"

Nagising ako sa tunog ng Cellphone ko, Si Ania pala ang nagtext, yung kagroupmate ko inaupdate lang niya ako sa Project na gagawin namin bukas,pagkabasa ko ng text inilapag ko na agad ang cellphone ko..

Doon ko lang narealize na panaginip lang pala ang lahat pero parang totoo naman ang mga panaginip ko, Imposible nga lang na mangyari yun, dahil walang Mahika sa panahon ngayon, Baliw lang ang magiisip ng ganun siguro mga nasa mental lang ang mga naniniwala dun

"Nadine!? bumaba ka na malelate na ako, kakain na tayo"

"Opo mommy, tatapusin ko lang po ito"

Pinatay ko na ang computer ko para bumaba na at kumain..

"Nadine, hugasan mo na yung plato pagkatapos mong kumain nagday off kasi si Manang"

"Pero, Mama pagod ako galing sa school"

"Wala ng rekla-reklamo, ngayon lang naman e, may pupuntahan lang ako"

No CHOICE, kailangan kong gawin ang mga inuutos ni Mommy kaya pumunta na ako sa kusina para ayusin ang mga pinagkainan

"Naku naman, sana may kapangyarihan ako na makapagpagalaw ng mga bagay para kahit hindi na ako gumalaw makakapaghugas ako ng pinggan"

Naalala ko yung nagawa ko noong muntik na akong masagasaan kahapon, Inisip ko lang na tumigil yung Jeep, tapos nagkatotoo, Kaya ipinikit ko ang mga mata ko at inisip kong sana gumalaw ang mga plato at magkaroon ako ng kapangyarihan para makapapagalaw ng kahit na ano..

Pagdilat ko, Napansin kong wala namang nangyari, At hindi naman bumubukas mag isa ang gripo lalo na ang paggalaw ng mga pinggan..

"Ano ka ba Nadine, Bakit naman gagalaw ang mga Pinggan, Nababaliw ka na talaga" 

Hinugasan ko na ang pinggan dahil alam kong wala namang Magic na mangyayari, Siguro namalik mata lang ako noong nakita kong Lumutang yung Jeep at Nagkataon lang ang lahat..

Pagkatapos kong maghugas ng Pinggan pumunta na ako sa kwarto ko para ipagpatuloy ang ginagawa kong kwento,

Sa kaharian ng mga Wizard...

"Mahal na reyna, Napag alaman  namin na patay na si Prinsesa Dennis"

Tumayo sa trono niya si Reyna Joddi (Prinsesa Joddi) para pumunta sa isang salamin na kayang magpakita ng mga naganap, nagaganap at magaganap palang na sitwasyon..

"Kailangang magmadali ni Prinsesa Maine, Malapit na ang Kabilugan ng buwan, Tuluyang manunumbalik ang kapangyarihan ng mga Demons kapag hindi natagpuan ng dalawa pang Prinsesa...."

"Mahal na Reyna, Ano po bang mangyayari kapag hindi po sila nahanap?"

"Kapag hindi natin sila nahanap, maaaring maunahan tayo ng mga Demons, Dahil sila ang nakatakdang Magpatuloy sa sinimulan ni Haring Regregator"

Ang mahiwagang Wand ay itinapat niya sa Salamin at binigkas ang Mahiwagang salita

"MIRGASUS HIRMAHUM.. ipakita mo kung nasaan ang Prinsesa Maine" agad nag ilaw ang salamin at ipinakita ang kalagayan ni Maine

Nagulat ang Reyna Joddi dahil nasa panganib ang Prinsesa dahil nasundan siya ng mga Armazilian

"Sinong nagbukas ng lagusan? Bakit hindi ninyo siniguro ang kaligtasan ng prinsesa hinayaan nyong masundan siya"

"Patawad po mahal na reyna, susundan po agad namin ang Prinsesa"

"Magmadali kayo! Hindi maaaring mahuli ang Prinsesa siya nalang ang pag asa ng buong IMAHINARNYA" sabi ni Reyna Joddi

Agad naman siyang sinunod ng kanyang magagaling na kawal, Sumakay sila sa mahiwagang walis at pumunta sa Lugar kung nasaan ang Lagusan

Pero pagdating nila doon, Hindi nila inaasahang May mga Armazilians na nagbabantay ng lagusan ,Pinilit nilang makalusot subalit masyadong malalakas at mabibilis ang mga Armazilian kahit takot sa liwanag ang mga ito kaya nila makipaglaban ng nakapikit gamit ang kanilang pang amoy ..

Nabigong makatawid ang mga Wizard dahil marami ang umuwing Sugatan sa kanila agad na pumunta ang Pinunong Kawal sa Reyna

"Kamusta ang Prinsesa?" pambungad na tanong ni Reyna Joddi

"Ikinalulungkot ko pong ibalitang Hindi po namin nagawang makapasok sa lagusan" Habang nakaluhod ito at nakayuko

"Ano? Bakit? Ano ang dahilan?" Napatayo ang Reyna at napahawak sa kanyang Kapa

"Mahal na Reyna, Patawad po ulit masydo pong malakas ang mga Armazilian at madami rin sila, Mas mabilis po sila sa amin at maraming Wizard ang Nasugatan sa pakikipaglaban sa kanila" 

Pumunta ulit ang Reyna sa mahiwagang Salamin at inalam  niya ang kalagayan ng Prinsesa ng mga Vampire

We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon