Chapter 5:

3.2K 110 3
                                    

Kathryn's P.O.V.

Kasalukuyan akong nasa kwarto ko at Nakatitig lang ako sa ITIM na LIBRO, kahit ang Creeping sabihin parang may pwersang humihila sa akin para buksan ko ito pero Natatakot lang ako dahil sa itsura nito na mukhang Libro ng mangkukulam..

"Baka naman mangkukulam yung nakasalubong ko kanina?" habang kinakausap ko ang sarili ko

"Ano kaba Kathryn, Mangkukulam? eh, wala ng ganun ngayon at Hindi mukhang mangkukulam yung babae" sagot ko rin sa tanong ko

"Malay mo, may ginamit siyang magic para magpabata ng mukha, tapos.. kapag nalaman niya na nasa akin yung Librong ito baka Huntingin niya ako.."

pero nasira ang Moment ko noong may naramdaman akong tao sa Bintana

"Sinong manghahunting sa iyo?"

Sa Gulat ko naibato ko yung Libro sa ilalim ng Higaan ko

"Ay. Kabayo,DJ!!!Ginulat mo naman ako" Huminga ako ng malalim dahil Feeling ko aatakihin ako sa Puso sa sobrang kaba

Pumasok siya sa Room ko gamit ang Bintana sa kwarto, iniislide lang kasi yun..

"Kinakausap mo nanaman ang sarili mo, Alam mo ang dapat sa iyo nasa Mental"

"Nyenyenye, Ano bang ginagawa mo dito?"

"Edi, dinadalaw ang Pinakamaganda kong Girlfriend" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang mga pisngi ko at pinisil pisil na parang nanggigigil sa isang Baby

"GirlFriend ka dyan, Sorry pero Matagal na kitang naiFriendzone" tinanggal ko yung kamay niya at tumayo ako

"Wow! Ikaw pa talaga ang nangfriendzone sa akin hindi ba pwedeng Ako dahil masyado akong Gwapo para ifriendzone mo"

"Alam mo, ikaw ang dapat ilagay sa Mental, Lumalaki na kasi yang ulo mo oh" Dinuro ko siya sa Noo

"Alam mo Girlfriend, alam naman nating maraming nahuhumaling sa mukhang ito kaya wala akong magagawa"

"Girlfriend to ng Girlfriend.. Pambalat ka nanaman"

"Si Girlfriend talaga oh, Ano bang Tagalog ng Girl Friend?" Tanong niya habang nakatitig sa akin pero iniiwas ko ang tingin sa kanya

"Girlfriend? Ano yun.. Ahmm"

"Ano?"bulong niya habang nakatingin parin sa akin

"Babaeng kaibigan, Baket?!"

"Babaeng kaibigan it means ikaw ang Finefriendzone ko kanina pa"

"Ugok!" tinulak ko siya papalayo sa akin

Pagkatulak ko sa kanya nakita kong may tinitignan siya sa ilalim ng kama ko at naalala ko yung Libro kaya agad ko siyang hinarang noong Kukunin na niya ito.

"Ano yung nasa ilalim ng kama mo?" nagtatakang tanong niya habang hinaharang ko siya

"Wala, napakachismoso mo talaga" pinipilit kong huwag niyang makita dahil sigurado akong aasarin niya ako

"Patingin lang"

"Ano kasi.. Ang kulit neto, Umalis ka na nga"

Huminto siya at nag acting acting na masakit ang Puso "Awtch! Ganyan ka naman lagi mo nalang akong pinapaalis, Ganito ba talaga kapag gwapo?" Habang nagpapacute siya

Pero maya maya may kumatok sa Kwarto ko

"Anak? Sinong kausap mo dyan?"

Nanlaki ang mga Mata ko "Si Mama! Umalis ka na, baka makita ka ni Mama" bulong ko kay DJ at agad ko siyang pinilit para umalis

"Nak, Bubuksan ko na ito ah"

Buti nalang nakalabas na si DJ noong bumukas ang pinto

"Anak? bakit ang tagal mong buksan ang pinto, may kasama ka ba dito?"

"WA.. wala po mama, may kausap lang po ako sa phone"

"ah. kakain na tayo, ok na ba ang pakiramdam mo?"

"medyo ok na po, baka bukas po papasok na ako, pero susunod na po ako may tatapusin lang po"

"sige"

Pagkasara ng pinto agad kong kinuha ang Librong itim na nakatago sa ilalim ng kama ko, At umupo na ulit ako sa kama ko

"Bubuksan ko o hindi, Bubuksan o hindi.. hmmmm"

Hinawakan ko ito sa harapan at maya maya nagliwanag ito... Sa takot ko napatayo ulit ako pero bumukas ito na parang may sariling buhay

We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon