Maine's Epilogue 💕

1.1K 47 3
                                    

Maine's P.O.V.

Nagising ako sa Isang Mapayapang Paligid. Walang Gulo at Wala ng Demon na Makikita Saan mang Sulok ng IMAHINARNYA.

Maliban lang sa Aming Tatlong Prinsesa na may PagkaHalf Demon.

Ako ang Prinsesa ng mga Vampire, Si Kathryn ang Prinsesa ng mga Fairy at Si Nadine ang Prinsesa ng mga Wizard. Kaming Tatlo ay Isinilang sa Mundo kung Saan Lingid sa Kaalaman ng mga Tao. Imahinasyon lang ang Pagkakaalam nila sa amin pero sa Mundong ito Ang Imahinasyon ay Nagiging Totoo, Lahat ng Gusto mong Makita Makikita mo, Nabubuhay kami dito at Malaya ng Naming nagagawa ang Gusto namin.

Bilang Prinsesa ng IMAHINARNYA ang Pagprotekta at Pangangalaga sa Mundong ito ang naging Pinakamahalagang Obligasyon namin Ngayon at sa mga Susunod na Panahon.

Pero Habang Tumatagal nalaman ko ang Salitang "Pamilya" ng Dahil sa Dalawang ito. Lumaki sila sa Mundo ng mga Tao kung Saan sila Hinubog para maging Matatag pero Binusog din sila ng Pagmamahal at Ganun narin ang Ipinapakita nila sa akin.

Noon, Natakot ako na Baka Hindi na Ako Magising pero mas Nag-alala ako para sa kanilang Dalawa.

Nagpapasalamat nalang ako sa Kaluluwa ng mga Yumaong Magulang Namin, Dahil Hindi nila Kami pinabayaan. Siguro kung Hindi nila Kami Tinulungan baka Wala na Kami sa Mundong ito

Ayon sa mga Nakasaksi ng mga Pangyayari, Noong Nawalan ako ng Malay, Biglang Nagliwanag ang Kalangitan at TATLONG nakaputing Babae ang Bumaba mula sa Langit.

Nilinis nila ang Buong Paligid at Itinaboy ang mga Demon. Nagkapira-piraso ang mga Kwintas at Lahat ng Demon ay Naging Abo pati ang mga Masasamang Hunter at Armazilian ay Nakasama sa Itim na Usok na Itinaboy sa Kung Saan

Maririnig pa daw ang Sigaw ni Haring Regregator na Muli siyang Magbabalik pero May Usap-usapan rin na Matapos Maibalik ang mga Nasirang Paligid Nagtungo sa Direksyon ng Lagusan ng mga Tao ang Usok at ang mga Kaluluwa ng mga Masasamang Nilalang.

Noong Nalinis na ang Lahat, Agad na Natakluban ng mga Halaman at May Kung Anong Mahika ang Bumalot sa Lagusang ito kaya Naglaho nalang ang Lagusan ng mga Tao.

Kahit Ako, Hindi rin Makapaniwala sa mga Kwento nila pero sa mga Nakalipas na Araw Masasabi kong Naisakatuparan din namin ang Gusto naming Mangyari

Natupad ko na sa WAKAS ang Ipinangako ko kay Ina at Kuntento na ako sa Nakikita ko Ngayon.

Sa Tulong ng Tatlong Kwintas Naibalik namin sa Dati ang Bawat Kaharian, Kahit naglaho na ang mga kwintas Masaya na Kami dahil Wala ng Demon sa Imahinarnya. Marami pa kaming Pinagdaan at Ginamit namin ang Libro ng Wizardian Topia para lang Maisaayos ang iba pang Nasira

Magkatulong si Nadine at Kathryn sa Pagpapagaling ng mga Mandirigmang Nasugatan. Nakikita ko namang Masaya sila pero Nakakalungkot lang na Mag-isa lang ako dito sa Palasyo

Maya-maya Bumukas ang Pinto at Narinig ko na agad ang Boses nila Kathryn at Nadine

"Maine?! Bakit ka nakatayo? Magpahinga ka muna" Agad nila akong Inalalayan pabalik sa Kama ko

"Ano ba kayo? Sobra kayong Mag-alala sa akin" Pinahiga nila ako pero Umupo lang ako sa Kama ko

"Grabi! Tignan mo yung Tiyan ni Maine... Ang Bilis talaga ng Panahon, Limang Buwan na agad ang Nakalipas" -Kathryn

"Maine! Ninang Kami ah!"

"Ninang?" Nagtatakang Tanong ko

"It means Pangalawang Nanay ng magiging Baby mo... Excited na ako!"

May mga Salita talaga silang  Hindi ko Maintindihan kahit Nakakasama ko sila ng Madalas, palagi kasi nila akong Pinupuntahan dito sa Vampire Zone.

We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon