Chapter 11:

2.4K 78 0
                                    

Maine's P.O.V

Kasalukuyan kong Tinitignan ang mga Halamang gamot na nakapatong sa lamesa may mga nakakadiring itsura, dinampot ko ang isang Bote na naglalaman ng mga kakaibang Halaman pero noong inamoy ko ito, Nakakasuka talaga ang amoy..

"Anong ginagawa mo dyan" Narinig ko ang boses ni Richard na nakatayo sa may pinto

"Ah, wala lang, tinitignan ko lang yung mga gamot na ginawa mo, Para saan naman ito?" Ipinakita ko ang hawak kong bote

"Yang gamot na yan ang kadalasan kong pinapahid sa Balat ko kapag alam kong malapit na ang mga Demons sa Teritoryo ko dahil napakaTindi ng Amoy nyan at siguradong hindi tayo masusundan sa amoy na iyan" pagpapaliwanag niya habang ibinababa ang mga Damo at Sari-saring Halaman

"Saglit lang, Paano mo natutunan ang mga ito?" nagtatakang tanong ko

"Dahil tinuruan ako ng kumupkop sa akin, Isa siyang Manggagamot at Salamangkero, Marami siyang alam tungkol sa Mundo natin at Minsan na daw siyang nakapunta sa Kaharian ng mga Vampires kaya marami siyang Alam"

"Ano? Paano nangyari yun, Diba iniingat ingatan nating huwag mapasok ang kaharian natin" sabi ko

"Hindi ko rin alam pero  yun lang ang sinabi niya, Siya na ang naging Ama ko sa mundong ito, Saglit lang kanina pa ako kwento ng kwento samantalang ikaw hindi ko pa alam kung ano ka ba? At Bakit hinahanap mo ang Dalawang Huling Prinsesa ng mga Wizard at Fairy?" nagtatakang tanong nito

"Ako si Maine Pure Vampire, Itinalaga ako para hanapin ang mga Prinsesa, Namatay ang aking Ina sa pakikipaglaban sa mga Armazilians dahil gusto niyang mailigtas ako, wala manlang akong nagawa" Hindi ko maintindihan pero bigla nalang akong naluha noong naalala ko ang pagkamatay ni Ina

"Ikinalulungkot ko ang nangyari sa Ina mo pero nakatitiyak akong nasa mabuting kalagayan na siya at magiging masaya siya kapag natupad mo ang ipinangako mo sa kanya" medyo nakakagaan ng loob ang mga sinabi niya kaya pinunasan ko ang mga Luha ko

"Kailangan ko ng tulong mo" habang nakatingin ako sa kanya " Tulong ko? hmm.. Pag iisipan ko"  natahimik siya saglit habang nakalagay sa baba ang mga kamay "Sige, tutulungan na kita"

Bigla kong naalala yung LIBRONG ITIM na napapunta sa isang babae "Yung LIBRONG ITIM kailangan nating makuha yun para mas mapabilis ang paghahanap sa Dalawang Prinsesa"

"Paano naman mapapabilis ang paghahanap sa Dalawang Prinsesa ng LIBRONG ITIM?" nagtatakang tanong nito

"Dahil ang LIBRONG ITIM ay umiilaw lang kapag hawak na ng isa sa mga Prinsesa ng IMAHINARNYA at sa Tamang Panahon ito ang magdadala sa dapat na kinaroroonan ng Dalawang Prinsesa, Pero sabi ni Ina sila din ang tutulong sa akin para Matalo ang mga Demons"

"Warrior ka pala?" tanong niya sa akin "Sa katunayan ang kaharap mo ngayon ang Pinakamagaling na Warrior sa VampireZone" 

"Magaling pala ah, Eh bakit hindi mo ako nasugatan manlang?" nakangising  tanong nito

"Madaya ka, may kapangyarihan ka!" pagdadahilan ko naman "Ah, Sige, sabi mo eh"

Umupo muna ako sa papag para makapagconcentrate, Pumikit ako at Huminga ng Malalim, Naramdaman  ko ang Liwanag at Tinalasan ko ang aking pang amoy,  "Malayo dito ang kinaroroonan ng Libro buti nalang mabilis tayo"

"Saglit lang bakit parang ang bilis mong malaman? Mga Demons lang ang kayang gumawa nyan" Tanong ni Richard

"Hindi ko alam kung paano ko nagawa yun, Basta Naramdaman ko lang at Naamoy yung makapal nitong Papel" pagpapaliwanag ko habang Inaayos ko ang Hood ko

"Ang galing naman, Ano pa bang hinihintay natin? Tara na?" habang inilalagay niya sa mahiwag Bag ang mga halamang gamot na nakakapagpagaling at mabisang panlaban sa mga Demons

We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon