Author's P.O.V.
Noong kinagabihan tulog na sila Maine at Nadine pero gising parin si Kathryn.
Gumugulo sa kanyang isipan ang Nalaman niya tungkol sa Mommy ni Nadine. Hindi siya mapakali kaya Bumababa muna siya para kumuha ng maiinom.
Sakto namang Nakita niyang Nakabukas ang Pintuan at Nakatayo doon si Reidario habang nakatingin sa malayo. Napatingin naman si Reidario noong naramdaman niyang may Nakatayo sa may Hagdan
"Prinsesa Kathryn, Bakit hindi pa po kayo natutulog?"
"Kukuha lang sana ako ng Maiinom pero buti naman at Gising ka pa"
"Bakit po may problema ba?"
"Ang totoo nyan, Wala akong problema pero si Nadine meron"
"Ano pong problema ni Prinsesa Nadine?"
"Tungkol sa Mommy niya... Reidario, Nag-aagaw buhay ngayon ang Mommy niya kaya kung ako sa'yo hayaan mo na siyang makita ito bago pa Mahuli ang lahat"
Nabigla si Reidario sa Narinig niya kaya Napaisip muna ito. Wala talaga sa plano niya ang payagang makita ni Nadine ang Mommy niya pero moong Narinig niya ito parang naawa siya sa Prinsesa
"Paano nyo po nalaman na Nag-aagaw buhay ang Mommy ng Prinsesa?"
"Hindi na iyon mahalaga, Basta pag-isipan mo ito sa madaling panahon, Hindi mo naman gugustuhing Bumalik sa Imahinarnya ang Prinsesa na may Lungkot sa kanyang mga Mata"
"Ikinalulungkot ko po ang balitang ito pero..."
"Kahit tatlong araw lang niyang makasama ang mommy niya, Pinapatunayan naman niya ang sarili niya kaya Nararapat lang na Tumupad ka sa Usapan nyo"
"Papayagan ko na po ang Prinsesa Nadine na Makasama niya ang kanyang ina pero may gusto lang po akong Hilingin kapalit nito"
Napaisip si Kathryn "Ano naman iyon?"
"Pagsapit ng Dapithapon bukas, Sasama ka na sa amin papuntang Imahinarnya... At bukas din ng Hapon Magpapaiwan kami dito sa Lupa para Makasama pa ng Prinsesa ang kanyang INA hanggang sa Gumaling ito... Para makapagpaalam narin siya ng maayos"
Matagal na Hindi nakapagsalita sa Kathryn, Naisip nalang niya ang tungkol sa pangarap niya kapalit ng Kagustuhan ni Nadine. Naging close naman sila sa Sandaling panahon pero naiipit siya sa Sitwasyong ito.
"Hindi nyo naman kailangang Sagutin ngayon ang Tanong ko sa inyo, May Bukas pa po kaya hihintayin ko po ang Desisyon nyo Bukas ng Umaga"
Tumango nalamang si Kathryn at Pumunta ng Kusina. Samantalang si Reidario naman ay Umakyat na para magpahinga.
.
.
.
.
Kinaumagahan...Nakaupo si Kathryn sa may Working area niya. Nakatingin lang ito sa laptop habang sila Nadine at Kathryn naman ay Nagkwekwentuhan ng kung Ano-ano. Panay kasi ang tanong ni Maine sa mga Bagay na dapat malaman dito sa Mundo ng mga tao samantalang si Nadine naman ay nagtatanong din tungkol sa Mundo ng Imahinarnya.
"So, talagang nakikipaglaban ka sa mga Demons at natatalo mo silang lahat?" -Nadine
"Hindi naman lahat, malalakas sila at Nakikipaglaban lang ako kapag kailangan" -Maine
"Sa Vampire Zone parin kayo nakatira? Diba sinabi mo na sinakop na yun ng Evil Master" -Nadine
"Malawak ang Vampire Zone, kaya nagtatago kami sa Ginawang kweba ng mga nakaligtas na Vampire, Sila ang mga tumulong sa akin at Nagturo sa aking Makipaglaban... Syempre si Ina rin ang Nagtuturo sa akin ng iba ko pang dapat na matutunan pero... May nagtraydor sa amin kaya ito ako ngayon sa lupa at Nakilala ko kayo" -Maine
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfiction((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...