"Sa mundong lingid sa kaalaman ng mga tao may tatlong kaharian na Saganang sagana sa Kayamanan, ito ay ang KAPANGYARIHAN ng bawat kaharian na tinataglay nila simula pa noong nilikha ng PANGINOON ang LAHAT ng NILALANG ng Bawat mundo..
May kanya kanyang Lakas o Kapangyarihan ang bawat nilalang ng IMAHINARNYA, tulad ng mga Fairy, Ang mga Fairy ay tagapangalaga ng kalikasan, may Dwarf Fairy na nangangalaga sa mga metal tulad ng ginto,pilak, tanso at iba pa Kasama nila ang mga Plant Fairy na nangangalaga sa mga Halamang tumutubo sa lupa..
Mermaid Fairy sila ang nangangalaga sa mga hayop o nilalang na makikita sa ilalim ng Dagat tulad ng Isda,Squid,pating,coral, at iba pa..
Ang mga Cloud Fairy naman ay nangangalaga sa himpapawid kasama ang Wind Fairy pero kadalasan hindi sila nakikita dahil sa bilis nilang lumipad at kapangyarihan nila ang maging Invisible
at ang kinabibilangan mong angkan, ang mga Maharlikang Fairy na nangangalaga sa bawat Fairy na nabubuhay sa mundo ng IMAHINARNYA...
Ang Mahal na Hari at Reyna ang Namumuno sa Maharlikang Fairy, Si Haring Narra at Reyna Acassia ay may nag iisang Anak, Ito si Prinsesa Bella Floral.. Si Prinsesa Bella ang pinakamagandang Fairy sa Buong Fairy Land kapansin pansin sa kanya ang nagliliwanag niyang Gintong buhok, kulay Yebeng Balat, mga mapupungay na mata, matangos na ilong, mamula mulang pisngi, at pinkish na Labing kumikinang.. Aakalain mong isang Anghel si Prinsesa Bella dahil ang Pakpak nito ay Puti pero kung iyong susuriin kulay Rainbow ito kapag lumipad na siya na nagliliwanag at nagiiwan ng Kakinangan sa madadaanan niya..
Ang mga maharlikang Fairy ay may pinagsama samang kapangyarihan, Silang tatlo ang Katawan ng Fairy Land..
Walang Gabi sa Fairy Land dahil kailangan ng bawat Fairy ang Liwanag bilang kalakasan nila, tanging ang Haring Narra ang nagpapanatili ng Araw gamit ang Singsing niya na Ipinamana sa kanya ng PANGINOON ng LAHAT, pinagbilinan siyang huwag na huwag niya aalisin sa kanyang daliri ang Singsing..
Isang Mapagpalang Araw dinalaw sa paniginip ang Haring Narra ng Panginoon, sinabi nito sa kanya na huwag pag aasawahin ang kanyang nag iisang anak dahil ang Anak niya ang PUSO at magiging kinabukasan ng IMAHINARNYA.. at pangalagaan din ang pagiging Birhen nito na magdadala sa kapahamakan ng buong FAIRY LAND..
Agad niyang kinausap ang kanyang anak para ipaliwanag ang lahat at inaasahan niyang maiintindihan ito ni Prinsesa Bella..
Sa Petal ni Prinsesa Bella..
"Maari ba akong pumasok?" sabi ni Haring Narra
"Ano pong kailangan ng Mahal na Hari sa kanyang Prinsesa?" nakangiting tugon nito kay Haring Narra
"Aking Unca Iha, maari ba kitang makausap?" tanong nito na may tinatagong lungkot sa mga mata
"Opo naman mahal na Hari" umupo sila sa Ginintuang Upuan sa may Balkunahe
"Aking Prinsesa, ikaw ba'y may iniirog na?" deretsong tanong ng Hari
"Ama, ano po bang sinasabi nyo, wala pa po sa isip ko ang Pag ibig" nakangiting sagot ng Prinsesa
"Anak, Aking Prinsesa Bella nagpahiwatig ang PANGINOON na huwag na huwag kang iibig sa kahit na kanino"
"Ano po? pero bakit po ganon? kayo ni INA ay hindi niya pinagbawalan"
"Ikaw ang pag asa ng Fairy Land sana maintindihan mo dahil hindi ko rin gustong tumanda ka mag isa pero ang Panginoon ang masusunod"
"Pero Ama..."
"Kailangan ko ng Magpahinga at ikaw rin, makinig ka sa akin dahil ikaw ang Prinsesa ng Fairy Land dapat mong unahin ang ikabubuti ng lahat kaysa sa pansariling kagustuhan" malungkot na umalis ang Hari sa Petal ng Prinsesa
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fiksi Penggemar((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...