Richards P.O.V.
Balik nanaman sa Dating Gawain, lalabas lang ako ng lungga ko kapag kukuha ako ng mga Halaman at Ginagamit ko ito para pag-aralan at gawing gamot
Habang nagDidikdik ako, May biglang nagsalita sa likod ko
"Anong ginagawa mo dito, Diba ang sabi ni Ama kailangan mong bantayan ang kinikilos nila" naramdaman Kong marami sila sa Likod ko
"Ayaw ko ng gawin ang ipinag-uutos ni Ama" habang itinutuloy ko ang ginagawa ko
"Wala ka bang Isip? Tandaan mong si Ama ang Dapat mong sinusunod, nasa ilalim ka ng kapangyarihan ni Haring Regregator" Sigaw niya na ikinatigil ko naman
Humarap ako sa kanya at Inaasahan Kong may mga Demons nga siyang kasama "Hindi ka ba nasasakal sa mga Utos niya? Hindi mo ba naisip na Mali lahat ng ginagawa natin? Marami ng Namamatay na kauri natin"
"Wala akong Pakialam sa Iba, Sila naman ang may kasalanan dahil hindi sila sumama sa atin"
"Kuya!? Gumising ka nga! Kinokontrol na ni Ama ang Buhay natin, Hindi mo ba naisip na kalayaan natin ang pinapatay niya"
"Hindi mo alam ang mga sinsabi mo, Buti nalang nagprisinta akong Pumunta dito, Dahil hindi magugustuhan ni Ama ang mga sinasabi mo ngayon, Mas mabuting bumalik ka na sa Prinsesa "
"Wala akong pakialam kung marinig ni Ama ang mga sinasabi ko, Dahil tama naman ako, Diba kuya? Alam Kong alam mo ang pagkakaiba ng kabutihan at Kasamaan"
"Hindi mo ako maiintindihan, ginagawa namin Ito para sa ikabubuti ng Angkan natin"
"Para sa Atin ba!? O para sa inyo na Uhaw sa Kapangyarihan?"
"Wala akong oras para makipagbangayan sa iyo,Basta gawin mo na ang Ipinag-uutos ni Ama" Tumaligod siya para lumabas ng Lungga ko
"AYAW KO NG MAGING HUNTER!" Nasabi ko ng malakas
Napaharap naman siya at Napatingin ng masama "Anong sinabi mo?"
Mahinahon Kong inulit ang sinabi ko "Ayaw ko ng maging Hunter"
Nilapitan ako ni Kuya Jake "Ano ba yang mga Pinagsasasabi mo? Alam mo ang Karampatang parusa sa mga Gustong umalis sa Pagiging Hunter"
Huminga ako ng malalim kahit Sobrang Hirap sabihin lahat ng Iyon, pero alam Kong tama ang Desisyon ko, Ayaw ko ng Sumama sa Kasamaan, May Sariling akong Utak para magdesisyon para sa ikabubuti ko
"Buo na ang desisyon ko, Hindi na ako magiging Hunter" noong sinabi ko iyon, Nakita Kong Naging Seryoso ang mukha niya, Pinalipad niya ang mga Halaman at Gamot sa Lamesa ko
Pinalutang niya ako sa Ere, Inaasahan Kong mangyayari yun pero hindi ko siya masisisi sa gagawin niya
"Walang Aalis sa Pagiging Hunter, Alam mo namang Kamatayan lang ang Katapusan ng Pagiging Hunter"
Sabi niya habang Pinapalutang ako, Hindi ako makahinga, Ayaw Kong maging katulad niya na sunod sunuran kay Ama, Kahit siya ang panganay mas alam ko ang Tama at Mali
"Bawiin mo ang Sinabi mo kanina!" Pagalit na utos ni Kuya
"Hi-hin-di ko iyon Ba-ba-wiin" iyan ang Sinabi ko habang Nasasakal sa Mahikang bumabalot sa akin
Pero sa Pagtatalong iyon, May biglang Sumigaw na Ikinatingin ni Kuya sa Labas ng Pinto
Maine's P.O.V.
May nararamdaman akong kakaiba habang papalapit ako sa Lungga ni Richard
"Ang Amoy na iyon" napahinto ako at Nagtago sa matataas na Damuhan
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfic((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...