AUTHOR'S NOTE
Medyo Mahaba-Haba po itong Chapter na Ito. Sana po magustuhan nyo kahit may mga Typo. Peace ✌
Sa lahat ng mga Nagvo-Vote, NagCo-comment at Nagpo-Post sa Wall ko. MARAMING SALAMAT PO TALAGA SA PAGSUPORTA sa Story na ito
LOVE!
LOVE!
LOVE!....
....Fairy Land...
Author's P.O.V.(Tatlong Araw nalang ang Natitira Bago Sumapit ang Itinakdang Araw.)
Nagkaroon ng Malaking Pagdiriwang sa Kaharian ng Fairy Land. Masayang pinagmamasdan ni Prinsesa Bella ang Kanyang Anak habang Nakikisalamuha ito sa ibang Fairy. Hindi siya Makapaniwala dahil Natupad na ang Matagal niyang Pinapangarap, pero Hindi rin niya Maiwasang Mag-alala dahil Palapit na ng Palapit ang Itinakdang Araw
Tumingin sa Kanya si Kathryn kaya Ngumiti siya. Maya-maya Nagsimula na itong Lumipad papunta sa kanya
"Prinsesa Bella, Gusto nyo po bang Mamasyal?" Nakangiting tanong nito sa kanyang Tunay na Ina
Ngumiti naman si Prinsesa Bella at Akmang Sasama na sa Kanyang Anak subalit Pinigilan siya ni Heneral Ulap
"Prinsesa, Sigurado po ba kayong makakalipad na po kayo ng Maayos?"
"Huwag kayong Mag-alala dahil kaya ko pang Maglakad Lalong lalo na ang Lumipad tsaka... Gusto ko ring Makasama ang Anak ko kaya Pagbigyan nyo na Kami"
Sa mga Araw na Lumipas mas Nakilala ni Kathryn si Prinsesa Bella pero Hindi pa siya sanay na Tawagin itong 'Ina' kaya Prinsesa Bella parin ang Tawag nito dito
Kahit may Oras lang kung Kailan pwedeng Makasama ni Kathryn si Prinsesa Bella, Sinisiguro nito na nagiging Masaya ang kanyang Ina sa Tuwing Nagkwekwento siya ng mga Naging Karanasan niya sa Mundo ng mga Tao
Habang Nasa Himpapawid Masaya nilang Pinagmamasdan ang Napakagandang Paligid ng Fairy Land.
"I-ina..." Nahihiyang tawag ni Kathryn kay Prinsesa Bella
"Bakit?... May Gusto ka bang Sabihin?" Napangiti ito dahil Bibihira lang siya Tawaging 'Ina' ni Kathryn
"Ahmm... Matagal ko na pong Gustong Itanong sa inyo ito... Minsan na po kayong Naikwento ni Mama sa akin..."
"Mama? Siya ba ang Nag-alaga sayo sa Mundo ng mga Tao?"
"Opo, Sabi daw niya siya ang naging Fairy Nani nyo kaya medyo nakapagkwento po siya tungkol sa naging buhay nyo lalo na yung mga Naging Pagsubok na Naranasan nyo..."
Naalala ni Kathryn na Naging Malungkot ang Love Story ni Prinsesa Bella. Namatay ang Lalaking minahal niya kasabay ang Nangyaring Digmaan sa Fairy Land.
"Naalala ko na kung Sino siya... nag-iisa lang naman ang Naging Fairy Nani ko at Siya rin ang Pinag-iwanan ko sa Iyo bago ako parusahan..."
Nakaramdam ng lungkot si Kathryn noong Nakita niyang Nalungkot si Prinsesa Bella, Naiisip tuloy nito na Dapat pala Hindi nalang niya binuksan ang Topic na iyon para Hindi na Naalala ni Prinsesa Bella ang mga Nangyari dati
Pareho silang panandaliang Natihimik, Hindi nila namalayan na Kanina pa pala sila sa Himpapawid habang Inaaliw ang Kanilang sarili. Maya-maya Napahinto si Prinsesa Bella sa Paglipad kaya Nagtaka nanaman si Kathryn. Makikitang Bahagyang Napapangiti si Prinsesa Bella.
Nakatingin ito sa Malayo kung saan nakikita rin ni Kathryn ang Kumikinang na Swing na Pinalilibutan ng mga Masasayang Batang Fairy
"Prinsesa Bella?... Gusto nyo po bang Pumunta doon" agad napatingin sa kanya si Prinsesa Bella
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfiction((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...