CHAPTER 55:

1K 38 1
                                    

Nadine's P.O.V.

Pareho kaming Pagod ni Reidario, Halos Gabi narin kami Nakabalik sa Mundo ng mga Tao. Kasalukuyan kaming Papasok ng Pintuan kung Saan Nakakarinig na ako ng mga Boses sa Loob. Paniguradong sila Mommy yun at si Daddy.

Hawak ko parin ang Libro ng Wizardian Topia pero Hindi parin Ako Kinakausap ni Reidario simula noong makabalik na kami dito. Ano kayang Iniisip ng Lalaking Ito?

Pagkahawak ko sa Doorknob, bigla nya rin itong Hinawakan kaya Yung Kamay ko ang Nawakan niya, Agad naman niya itong Tinanggal at Umiwas ng Tingin

Ipinagpatuloy ko na ang Pagbubukas ng Pinto pero Hindi ko inaasahan ang Makikita ko.

Umiiyak si Mommy at may Tinatawagan si Daddy sa Cellphone niya, Samantalang si Tita Naman ay Nakaupo sa Tabi ni Mommy para Patahanin ito.

"Nasaan na kaya yung mga Batang iyon..." Ito ang Narinig kong Sinabi ni Tita

Nakatalikod kasi sila sa Amin kaya siguro Hindi nila napansin na Pumasok na Kami ng Bahay

"Ok, balitaan nyo nalang kami kapag May Nakakita na sa Kanila" -Daddy

Anong nangyayari dito sa bahay? Bakit parang Aligaga sila ngayon?

"Daddy... Mommy... Ano pong meron?"

Halatang Natigilan sila noong Narinig nila yung Boses ko. Nagkatinginan naman kami ni Reidario dahil Hindi rin namin alam kung Bakit sila Nagkakaganun

Dahan-Dahan silang lumingon sa amin at Nagulat ako noong Tumayo si Mommy at Niyakap ako. Samantalang si Daddy naman ay Galit na Galit na Lumapit kay Reidario at Agad hinawakan ang Damit nito

"Saan mo dinala ang Anak ko?! Akala nyo ba hindi namin Malalaman na Hindi talaga kayo pumunta sa mga Magulang mo?! Tatlong Araw kayong Nawala!"

"ANO?! TATLONG ARAW!?" Sabay naming sinabi ni Reidario

Tinignan ko siya na Para bang Nagtatanong ako kung Paano nangyari yun pero Sinagot niya ako ng Iling-iling na ang Ibig sabihin ay Hindi rin niya alam

"Akala ko Mawawala ka nanaman sa amin" mahinang sinabi ni Mommy at Kumalas sa Pagkakayakap sa akin

Nagulat naman ako noong Sinuntok ni Daddy si Reidario. Kaya Agad ko silang inawat

"Saan mo dinala ang Anak ko?!"

"Saglit lang po Daddy, Magpapaliwanag po kami"

JUSKOLORD! Hindi pa ako nakakaisip ng magandang Paliwanag

"Prinsesa Nadine, Sa palagay ko kailangan na nilang Malaman" tinignan ko si Reidario

"Hindi pa ako---"

"Naandito lang ako kaya Huwag po kayong Matakot"

Ano ba yan? Bakit kasi Tatlong ARAW!? Halos Isang Araw lang yun ah! Paano nangyaring Tatlong Araw kaming Nawala

"Saan ba kasi kayo Nanggaling, Pumunta kami sa Mama mo James pero hindi ka pa daw Umuuwi... Sinabi din daw ng Mama mo na Wala siyang Alam tungkol sa inyong Dalawa minsan mo na daw siyang Ipinakilala sa Kanila pero Hindi ka daw yung Tipo ng Lalake na magseseryoso" -Tita Prof

Oo ganun talaga si James kaya nga Magkaiba talaga sila ni Reidario

"Sabihin nyo nga talaga sa amin kung ano ba talaga ang Nangyayari?" -Mommy

Sa Palagay ko Tama si Reidario, Kailangan na Talaga naming Sabihin ang Totoo. Hindi narin Ako Mapalagay kapag Naaalala kong may Itinatago akong Sikreto sa kanila.

"Mommy... Daddy... Kasi po... Ano po... Pwede po bang Umupo muna tayo"

Kumalma naman sila at Hinayaan muna kaming Makaupo ni Reidario.

We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon