Sa Kaharian ng mga Wizard
Nadine's P.O.V.
Lumipas na ang isang gabi, Hindi parin ako makapaniwala sa mga nalaman ko, Pinisil pisil ko pa ang pisngi ko baka sakaling magising ako sa panaginip na ito pero nabigo ako...
TOTOO talaga ang lahat ng nangyayari sa akin, Totoong Prinsesa ako ng mga Wizard, WIZARD!? Dati-rati sa libro ko lang nababasa ang tungkol sa mga Prinsesa at mga Wizard, pero ngayon... Hindi ako makapaniwala na isa pala ako sa mga iyon
Kasalukuyan akong Nakaupo sa Balkunahe sa labas ng napakalaking kwartong ito, Halos Buong Living Room na namin ito sa Bahay, Ang kurtina na Hinahangin ay Kulay Pula pero Kumikinang ito, Ang Chandelier na Kulay Ginto pero Ganun parin ang Liwanag nito, Ang kwartong ito ay may Tatlong kulay na nangingibabaw, Pula, Ginto, at Silver.
Kahit alam kong hindi ako nananaginip, Hindi ko parin magawang maniwala sa mga nangyayari sa akin, Hindi naman ako nagdradrugs para Maghallucinate ng ganitong kagandang Palasyo, Natatanaw ko ang Napakalawak na Lupaing may Nakakamanghang kabahayan...
Parang Sumbrero ng Witch ang mga Bubong nila, pero yung Iba parang Ordinaryong bahay sa mundo ng mga Tao, Napansin kong may mga lumilipad na Nilalang malapit sa Magubat na parte ng Mundong ito, pero nagulat ako noong mabilis itong lumipad papunta sa akin kaya Agad akong pumasok sa loob, Marami silang Nagliliparan sa Himpapawid may mga hawak silang PatPat na iwinawagayway nila at Inihahampas sa bandang likuran ng Walis...
Sa sobrang Mangha ko sa kanila, Napalabas ako ng Balkunahe pero maingat akong Umupo sa Duyan na gawa sa ginto,Mga Bata pala ang sakay ng mahiwagang Walis!? Kaloka! Kung sabagay nasa Mundo naman ako ng mga WIZARD ...
Katulad na katulad ito ng mga napapanaginipan ko noon, Akala ko gawa-gawa lang ito ng malikhain kong Isip kaya Idinadaan ko nalang sa pagsulat ng kwento
Habang aliw na aliw ako sa Panonood ng mga Batang Palipad lipad sa Himpapawid, Hindi ko namalayan na may mga Mata palang Nakatitig sa akin
"Ehem... Ehem, Pinapatawag ka ng Mahal na Reyna"
Nilingon ko ang taong nagsalita, kaya sa pagiging Masaya ko biglang napalitan ng Inis
"Hindi ka ba Marunong Kumatok?" Pagsusungit ko sa kanya
"Kumatok? Hindi uso ang katok dito kapag kailangan ka ng Mahal na Reyna"
Parang si James din pala ang Lalaking to! Bagay nga silang magkamukha, Parehas silang ANTIPATIKO
"Talaga bang Hindi ikaw si James?" Tumayo ako at Naglakad papasok ng kwarto
Nakasandal naman siya sa Pader habang Nakapamulsa ang isang kamay nito at Yung isang kamay niya ay may Hawak na Tatlong Card na pinaglalaruan niya
"Hindi James ang Pangalan ko, Reidario ang pangalan ko... Mawalang galang na po Prinsesa, pero Kailangan kayong makausap ng Mahal na Reyna, Sumunod nalang kayo sa akin"
Tinalikuran niya ako pagkatapos niyang sabihin yun "Nye, nye, nye... Meweleng geleng na po Prinshesha... Kunyari pang Maginoo pero hindi naman"
Narininig niya ako kaya Humarap ulit siya "Anong sabi mo?" Nakapamulsa parin siya at Nakakunot noo pa
"WALA!" Lumakad ako palabas ng pinto at Nilampasan ko lang siya. Huli siyang lumabas ng Kwarto para isara ang ito, Napakalaki nga ng Pintong ito parang Pinto talaga ng Isang Kaharian
Habang Naglalakad kami sa NakaRed Carpet na Hallway, Hindi ko maiwasang Mamangha sa mga Armor na nakaDisplay sa bawat Sulok ng Daanan at may mga Larawan na nakadikit sa Pader, Napahinto ako sa Harap ng Isang malaking Picture dahil gumagalaw ito na parang may Sariling Buhay, Napansin kong ganun din naman ang ibang Picture...
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfiction((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...