Maine's P.O.VKatabi ko si Steeve habang nanood ng Pag-eenasayo ni Prinsesa Nadine, Parehas kaming tahimik pero alam kong natingin siya sa akin
Kaya tumingin ako ng isang beses sa kanya at Nakita ko ngang Nakatingin siya sa akin kaya agad siyang umiwas
"May problema ba?" Tanong ko sa kanya
"Hu? Bakit? Anong problema ang Tinutukoy mo?"
"Kanina ka pa tingin ng tingin, May gusto ka bang Sabihin?"
"Ah. Eh. May..." Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya dahil may nagsalita bigla sa Tabi ko
"Anong nangyayari dito?" Nagulat ako dahil nakita ko si Richard na nasa Tabi ko pero Nakatingin siya sa mga Nag-eensayo
"Saan ka nagpunta?" Agad kong tanong sa kanya
"Diyan lang sa tabi-tabi, May ginawa lang akong importante" nakita kong sinamaan niya ng tingin si Steeve
"Ahh... Nag-eensayo sila ngayon, At tinuturuan narin nila ang Prinsesa na makipaglaban"
Natahimik kaming Tatlo habang nakatayo sa may Lilim ng puno, Napansin ko namang Wala na sa Kinauupuan ang Prinsesa Kathryn kaya tinanong ko si Richard
"Richard, nakasalubong mo ba ang prinsesa kanina?"
"Oo, may kinuha yata sa loob"
Naisipan kong Pumasok muna ng Bahay dahil kanina pa ako dito sa labas, Malapit naring magtanghalian kaya magpapahinga muna ako
"Papasok muna ako sa Loob ah." Sabi ko sa kanilang dalawa
"Sasamahan na kita, Gusto rin kitang Makausap" sabi ni Richard
"Hu? Tungkol saan?"
"Mamaya nalang"
Pumasok nalang ako ng Bahay at Kasunod ko siya, Samantalang Naiwan sa Labas si Steeve
"Oh, Anong Sasabihin mo?" Hinarap ko siya
"Kase... Itatanong ko lang kung..." Parang nag-iisip pa siya ng Sasabihin sa akin
"Richard, umamin ka nga sa akin, may sasabihin ka ba o Wala?"
"Ang totoo nyan... Kasi... Nawala na sa isip ko yung Sasabihin ko"
"Tsss.. Sabi ko na nga ba, Wala kang Sasabihin"
Pagkatingin ko sa Hagdanan, Nakita kong Nakatingin lang sa amin si Prinsesa Kathryn.
"Ay. Pasensya na may Pinag-uusapan ba kayong importante?" Sabi ni Kathryn at Akmang aakyat na
"Wala po kaming pinag-uusapan, Gusto ko lang sanang Umupo dito at Magpahinga"
"Ah. Mag-aayos na ako sa Taas, Malapit narin akong Pumasok sa School, Sige... Aakyan na ako" umakyat na siya sa taas
Nakakapagtaka ang ikinikios ng Prinsesa. Tinignan ko si Richard na nakatayo lang habang sinusundan ng tingin ang Prinsesa Kathryn
Bakit kaya ganun siya makatingin sa Prinsesa, Pakiramdam ko talaga may gusto ito sa Prinsesa eh! Kulang nalang sundan na talaga niya sa itaas
"May problema ba si prinsesa kathryn?" Sabi ni Richard
"Aba, Malay ko... Bakit mo sa akin itinatanong? Sa kanya mo itanong"
Hindi ko namalayang nakatingin pala ako kay Richard ng Masama "Bakit parang ang sama ng Tingin mo sa akin? May nasabi ba akong masama?"
"W-wala naman, may iniisip lang ako" umiwas ako ng Tingin
"Lalabas na ako para makapagpahinga ka" Sabi niya at Nginitian niya ako
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fiksi Penggemar((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...