KAHARIAN NG VAMPIRE ZONE
Maine's P.O.V.Iminulat ko na ang Mata ko at Nagulat ako dahil pamilyar sa akin ang Lugar na ito... Hindi nga ako Nagkakamali sa Iniisip ko! Nasa VampireZone ako pero Paano ako napunta dito?
Ang Napakalaking Gate na Nasa harapan ko ay Binabantayan ng mga kapwa ko Vampire pero bakit parang Maayos na ang Lahat? Bakit walang Nangyayaring Gulo? At Rinig na Rinig ko ang Ingay ng mga Nagsasaya at Nagkakantahang mga Tao sa Loob ng Kaharian
May Dumaang Vampire kaya Tinanong ko ito "Anong meron sa Loob?"
"Hindi mo ba alam? Ipinagdiriwang ang Kapanganakan ni Prinsesa Maine, siya ang Nag-iisang Anak ni Prinsesa Dennis"
"Si-sinong Prinsesa Maine?"
"Pasensya na Nagmamadali kasi ako, pumasok ka nalang at Mauuna na ako dahil kailangan ko pang Mangaso"
Noong narinig ko ang sinabi ng Vampire, Hindi ako makapaniwala dahil ako lang Naman ang anak ni Ina, At bakit tatawaging Prinsesa si Ina? Samantalang Isang Pangkaraniwang anak ng Mandirigma ang Ina ko, Siguro ibang Dennis yun pero Napakaimposible naman na Kapangalan ko rin ang Anak niya
"Nasaan ba ako ngayon? Wala akong Maalalang ganitong Nangyari sa akin noong Bata palang ako" sabi ko sa Isip ko
Pumasok ako sa Loob at Nakita ko ang mga Vampire na Nagsasayawan sa Liwanag ng Buwan, Mga Usok sa Paligid na nakakapagpataas ng Balahibo pero Mapapansin ang Altar Kung saan Nakaupo ang Mahaharlikang Vampire
Ang Reyna Lihuati ay Nakangiting Nanonood sa mga Mamamayan nila, Pero nagulat ako noong nakita kong Nakaupo sa tabi ng Reyna si Ina...
"I-ina?... Bakit naandun si Ina? Pero... Nakita ko siyang Namatay at Naglaho" Nakaramdam ako ng Kirot sa aking Kalooban, Hindi ko Inaasahang Magsisinungaling si Ina dahil Sinasabi niya sa akin na dapat Laging magsasabi ng Totoo
Paalis na sana ako ng Biglang magsalita ang Reyna kaya Nanatili ako sa Sulok kung Saan nakikita ko ang mga Nangyayari
"Aking mga Minamahal na Mamamayan ng Vampire Zone, Tayo ay Nagtitipon ngayon para sa Kaarawan ng ating pinakamamahal na Prinsesa, Kahit wala na ang Minamahal nating Hari... Sana tulungan nyo ako para sa Kapayapaan ng Ating kaharian,Minsan na tayong Ginulo ng mga Demons pero Magtiwala tayo sa Dakilang Maylikha na Gagabayan niya tayo at Ililigtas sa mga Demons, Nanaginip ako noong ako'y Nagpapahinga sinabi niya na Ibinigay na daw niya ang Kasagutan kaya Kailangan natin syang Ingatan, At sa Pagkakataong ito nais kong Ipakilala sa Inyo ang magiging Kinabukasan ng ating Kaharian, Ang aking nag-iisang Hiyas... PRINSESA MAINE"
Sa pagkakataong iyon, Biglang Bumilis ang tibok ng Puso ko at Nagsiyuko ang Lahat ng mga Vampire, Isang batang Babae ang Bumaba sa Hagdanan ng Palasyo papunta sa Altar
Ang kanyang Kasuotan ay kulay Itim pero Kumikinang ito, May suot siyang Palamuti sa Katawan at Kulot ang kanyang buhok, May mapupulang labi at Bakas sa kanyang mga Ngiti ang sobrang Kasiyahan
Noong Nakalapit na siya sa Reyna at sa ina ko, mas lalo kong Nakita ang Kanyang mukha
Nanlaki ang mga Mata ko dahil Kahawig nya ako kapag Pinabata ang Mukha ko
"Ka-kamukha ko ang Batang babae na sinasabi nilang Prinsesa, Pero papaano?"
"Magbigay Pugay sa KINABUKASAN ng VAMPIREZONE!" sigaw ng Lalaking may hawak na Tungkod
Tumayo naman ng Maayos ang Lahat at Binati ang Prinsesa "MALIGAYANG PAGKABUHAY PRINSESA MAINE"
Mapapansin ang Malapad na Ngiti ng Prinsesa at Agad na Ininom ang Ibinigay sa kanya na Isang baso ng Dugo ng Tupa
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfic((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...