Chapter 16:

2K 60 1
                                    

Maine's P.O.V.

Bumaba muna ako para kamustahin ang Prinsesa pero ang nadatnan ko lang ay yung tagapangalaga niyang Fairy na may ginagawang pagkain ng mga tao... Hindi ko alam kung anong klaseng pagkain yun dahil dugo lang ng Hayop ang iniinom ko..

"Nasaan na po ang Prinsesa? Tulog pa po ba siya?"

"Umalis na siya, pumunta na siya sa School"

"School? Ano naman ang gagawin niya doon?"

"Pasensya na, nakalimutan Kong hindi mo pala Alam yun, pero doon natututo ng kung Ano-ano ang mga Tao" sagot niya habang naghahalo ng Mga Kulay Berdeng Bagay...

"Ah... Ano po ba ang ginagawa ninyo?" nagtatakang tanong ko

"Nagluluto, Ito ang kinakain ng mga tao at ito rin naman ang kinakain namin sa Kaharian namin, Gusto mong tikman?"

Feeling ko masusuka ako, kapag naiimagine Kong Kinakain ko ang bagay na yan, Kaya Umiling-iling ako..

"Hindi ba kayo kumakain ng ganito?" Tanong ng Fairy pero Iling-iling lang ang naging sagot ko

"Ah. Ganun ba, Kung hinahanap mo rin yung kaibigan mong Vampire nasa labas lang siya"

Tahimik akong lumabas para Tignan kung ano nanaman ang ginagawa ni Richard, Nakita ko siyang may Binabasang Lumang Libro, Kulay Bughaw Ito na may lasong Itim...

Nagulat naman siya noong Nakita niya ako sa may pinto at agad itinago yung hawak niya "Ikaw pala yan, May pinuntahan ang Prinsesa kaya wala siya dito ngayon"

Umupo ako sa tabi niya "Alam Kong wala siya dito, Pero ano yung binabasa mo kanina?" Tanong ko sa kanya at inilabas ulit ito

"Ah. Itong Librong Ito, Mga Listahan ng Halamang gamot at mga Spell na Dapat Kong matutunan, Nakuha ko Ito sa Ina ko bago siya Makuha ng mga Demons"

"Akala ko ba natuto ka ng panggagamot sa Kumupkop sa'yo" nagtatakang tanong ko

"Oo nga pero iba itong Librong Ito, napakaespecial sa akin nito dahil bigay Ito sa akin ng Ina ko"

"Ah. Alam mo ba yung School? Doon daw pumunta ang Prinsesa"

"Hindi ko alam kung saan yun pero kaya naman nating masundan kung nasaan ang Prinsesa"

"Naiisip mo ba ang Naiisip ko, Hmm.. Sa palagay ko kailangan nating maranasan ang pamumuhay ng mga Tao"

Nagkatinginan kami na parang Nagkakaintihan talaga kami at parehas kami ng Iniisip

....

Hulaan nyo kung nasaan kami ngayon..

Nasa Mataong lugar kami at may Malaking Building sa Harap namin, Puro sasakyan, at mga kabataan na halos Katulad lang namin

"Ito na pala yung School? Ang daming tao,halos Lahat yata ng mga Tao naandito na" sabi ko

"Ang sabi nung Fairy dito daw natututo ang mga tao"

"Pasukin na natin" papasok na Sana ako pero pinigilan naman ako ni Richard

"Saglit lang, Ayan ka nanaman hindi ka nanaman nagplaplano"

"Huwag kang mag-alala, ako naman ngayon ang bahala, wala ka bang tiwala sa akin?" Tinignan ko siya habang hawak parin niya yung braso ko

Pero nag-isip pa siya ng sagot "Hmmm.. wala" tinignan ko siya ng masama "Biro lang, Ano namang Plano mo?" Tanong niya habang nakangiti at binitiwan na niya ako

"Magpapanggap tayong Tao para makapasok dito at mabantayan natin ang Prinsesa" pagpapaliwanag ko

"Maganda yang Plano mo pero tignan mo yung suot natin sa Suit nila, Dapat hindi tayo nakaitim dapat katulad ng Suot nila"

We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon