Author's P.O.V.
"Naandito na sila"
Ito nalang ang nabitawang salita ng Mahal na Reyna, habang siya ay nasa balkunahe ng kanyang Kwarto. Hawak niya ang Wand na ipinamana pa sa kanya ng kanyang ina.
Hindi nito lubos maisip na Mabibigo siyang Protektahan ang Kahariang ipinagkatiwala sa kanya ng kanyang mga Yumaong magulang
"MAHAL NA REYNA! MAHAL NA REYNA!" nagmamadaling Lumapit sa kanya ang Isa niyang Tagapaglingkod at agad na lumuhod sa kanyang Harapan para maghatid ng Balita
"Bakit ka sumisigaw? At Ano ang Nagdala sayo rito?"
"Patawad po Mahal na Reyna pero... ANG PROTEKSYON ng LAGUSAN ay Humina na ng Tuluyan"
Ito na ang kinakatakutan ni Reyna Joddi, At tuluyan na ngang Nalaman ng mga Kampon ng Evil Master ang Paghina ng Proteksyon ng Lagusan
Nagpakawala ng Malalim na Buntong hininga ang Reyna bago magsalita "Ipatawag mo ang Lahat ng mga KAWAL at MANDIRIGMA ng Wizardian Topia, Lalabanan natin sila"
"Masusunod po mahal na Reyna" tumayo ang Tagapaglingkod niya at Umalis na sa Kwarto ng Reyna
Naglakad naman papasok ng kanyang Silid ang Reyna at Umupo sa kanyang Ginintuang Upuan. Tinignan niya ang Napakalaking Larawan ng dating Hari at Reyna ng Wizardian Topia.
"Ama patawarin nyo ako kung binigo ko kayo ni Ina, Hindi ko alam kung Tama ba ang mga Naging Desisyon ko dahil Nangibabaw sa akin ang Pagiging Ina... Kung ito na po ang Oras para Makasama ko kayo, Ipapaubaya ko na po ito sa Dakilang Maylikha"
Habang Nananatili sa kanyang Kwarto ang Reyna. Nagtipon-tipon naman ang mga Mandirigmang Wizard sa pinakamapanganib na sitwasyon.
Ngayon lang Ulit Nakita ng mga Mandirigmang ito ang Pagdilim ng Kalangitan at Mapula-pula pa ito na Sumisimbulo ng Kadiliman.
Ang mga Mahihinang Wizard ay Pinapasok sa loob ng Palasyo para Hindi sila Mapahamak.
Kumukulog at Kumikidlat sa bahagi ng Kagubatan kung Saan Naroroon ang Batalyon ng mga Demons na Pinamumunuan ng Evil Master.
Napakatagal na niyang Pinapangarap na Masakop ang Kaharian ng mga Wizard. Pero sa mga Sandaling ito matutupad na ang Panaginip na Akala niya'y Imposible.
Nakangising Pinagmasdan ng Evil Master ang mga Punong Pinuputol ng kanyang mga Alagad at sa Bawat madadaanan nila agad itong pinapasabog ng mga Alagad niya na Ikinayayanig naman ng buong Paligid.
Kasama niya ang mga Armazilian na matagal naring Naghihintay ng Pagkakataong ito dahil sa Oras na Masakop nila ang Wizardian Topia, Napakadali naring Sakupin ang Kaharian ng mga Fairy
"SIRAIN ANG BAWAT MAKIKITANG BAGAY SA PALIGID! PATAYIN ANG MGA WIZARD NA NABUBUHAY! Ito na ang Umpisa ng Paghahari ng KADILIMAN!" sigaw ng Evil Master
Nasa Harapan siya ng mga Demons at Nakasakay sa Napakalaking Karosa Samantalang nakasakay naman sa itim na kabayo sila Jake, Franko, at James. Mapapansing nasa Likuran ang mga Demon Striker at mga Higanteng Demon na hindi tinatablan ng Apoy.
Sa Bawat Madadaanan nila maririnig ang pagdagundong ng Lupa at Nagpakawala ng mga Lumiliyab na Palaso ang mga Demon Striker. Pero sa mga Pagkakataong Iyon Handa ang mga Wizard dahil may Ginawa silang Proteksyon laban sa mga Demons kapag Nabuksan na ang Lagusan
Nakikita na ng Evil Master ang mga Nakahilerang Wizard na Nakasakay sa Mahiwagang Walis at may Tinatawag silang Arrow Header na May Kapagyarihang Gumamit ng Mahika sa Pagpana. Sa Isang Kumpas ng Pinuno ng mga Wizard Warrior Nagsisugudan na ang mga ito
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfic((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...