CHAPTER 46:

1.2K 44 8
                                    

Richard's P.O.V.

Kailangan ko ng Makatakas sa Pagkakagapos ko dito.

Ugh! Paano ba ito Kalasin?

Umalis ang Supremo at Hindi pa siya Bumabalik Hanggang Ngayon kaya Kailangan ko ng Samantalahin ang Pagkakataon.

Nasa isang Madilim na Lugar ako kung Saan Nakakulong ako sa mga Rehas na Bakal. Mas Madilim dito ngayon dahil Wala ang Supremo, Pinatay niya ang Apoy na Nagbibigay Liwanag dito sa Kinalalagyan ko. Ilang Araw ko ng Kinakalas ang Pagkakatali ko pero mas lalo pa itong Humihigpit.

Pero kahit Nahihirapan na ako, Isa lang ang nasa isip ko... Naririnig kong Sumisigaw si Maine pero Hindi ako Makasigaw dahil may Busal ako sa Bibig.

Nararamdaman ko siya, at Alam kong Nasa Loob siya ng Kwartong iyon dahil Nakikita kong Pumupunta doon yung Supremo. Hindi ko alam kung Bakit pa niya kami Pinaghiwalay ng Kulungan, Siguro may Masama siyang Binabalak

"Richaaard! Naririnig mo ba ako?!" Nanggagaling yung Sigaw na yun sa Kwartong kanina ko pa Tinitignan

"Urmm... Urmm... Errrr... Maernmm..." Hindi ako Makasigaw ng Maayos dahil nakatakip ang Bibig ko

"Alam kong Naririnig mo ako, At alam kong may Pumipigil sayong Magsalita!... Hayst! Gusto ko lang Sabihin sa'yo na Kasalanan mo lahat ng ito!"

Natigilan ako sa Sinabi niya, Tama ba ang Narinig ko? Sinisisi niya ako sa PagkakaDakip naming Dalawa?

"...Diba Lagi mong Sinasabi sa akin na Dapat munang Mag-isip ng mabuti bago Kumilos, Huwag Basta-Basta Magdedesisyon?..."

Hayst! Ang Babaeng iyon, Pasalamat siya may Busal ako sa Bibig kaya Hindi ko Maipagtatanggol ang Sarili ko. Bakit naman siya Sumama sa akin kung hindi pala siya sang-ayon sa mga Gusto ko? Staka parehas naman kaming Naloko dito

"...kaya kung Nakikinig ka man ngayon! Pilitin mong Makatakas... kapag Nagawa mo yun baka Mapatawad pa kita!"

Mapatawad? Ano naman ang Naging kasalanan ko sa kanya? Wala naman akong kinalaman sa nangyari sa amin...

Pero aaminin ko na ako talaga ang may Kasalan nito, Kung Hindi ko siya Pinilit na Isama sa Lugar na Hindi niya alam siguro Wala kami dito... Kasalanan ko nga ang Lahat

"Hoy! Vamzard alam kong naririnig mo ako, kaya Gumawa ka na ng Paraan para makaalis tayo dito"

Inilibot ko ang Paningin ko sa Loob ng Kulungan, Kahit hindi ako makagalaw dahil may mga Tali rin ang Paa ko. Madalim dito kaya hindi ko talaga maaninag ang mga Bagay na pwede kong Gamitin.

Pinilit kong Umalis sa Kinapupwestuhan ko at Ginamit ko ang Pandama ko para Makahanap ng Matukis na Bagay. Sa Hindi sinasdyang Pagkakataon, Nadanggi ko ang maliit na Mesa sa Loob ng kulungan ko.

Parang may narinig akong Nahulog na Bote kaya Pinilit kong Kapain kung may bote nga bang Nahulog. Nakaramdam ako ng Matulis na Bagay na Tumusok sa Palad ko, Kahit Nakatali sa Likod ang Kamay ko Nahihirapan talaga akong Kumapa pero Nakuha ko naman ang Bubog na Pwede kong Gamitin para tanggalin ang Nakagapos sa akin.

"RICHARD! Ano yung Nahulog? Ano bang Ginagawa mo dyan! Hayst! Paano ko nga ba Makakausap ang VamZard na may Busal sa Bibig"

Hays! Napakaingay naman niya, Bumabalik nanaman siya sa Dati niyang ugali. Yung NapakaMainipin na Vampire at Puro reklamo sa mga Ginagawa ko.

Kahit masakit na ang Kamay ko dahil sa Kakakudkod ng Basag na Bote sa Taling nakagapos sa Kamay ko. Nakakangalay man at Ramdam kong Nagkakasugat na ako sa Palad Itinuloy ko parin ang Ginagawa ko.

We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon