Maine's P.O.V
Papalapit na sila dito pero wala akong maisip na pwedeng gawin, Kung makikipaglaban ako may posibilidad na Makatakas ako pero may posibilidad rin na mahuli nila ako, Sa oras na mangyari yun Hindi ko na matutupad ang gustong mangyari ni Ina..
Pasilip na sana ako pero Biglang may Tumakip ng bibig ko at may ibinulong siya sa akin na hindi ko maintindihan,
"HIREUM REZESTRUM MARZECOBE"
Maya maya Nakaramdam ako ng Hilo kaya unti unting lumabo ang paningin ko..
----------------------------------------------------
Sa aking pagmulat Napansin kong nasa isang kubo na ako at Nanghihina parin, Nakita ko ang isang lalaki na nakaupo sa tabi
"Sino ka? Grrrrr" (sa tuwing nagagalit ang mga Vampire inilalabas nila ang matutulis nilang kuko at ang mga Pangil)
"Gising ka na pala" Pumikit siya at may binigkas na Salita para hindi ako makagalaw "GRUVEN MIRVILEN TREBUM"
"Bakit, hindi ko maigalaw ang mga kamay ko... Grrr" Pilit kong iginagalaw ang mga braso ko
"Huminahon ka, Hindi ako kalaban, Nakita kong papalapit na sa iyo ang mga Armazilian at kung nagkataon na nakita ka nila tiyak na hindi ka nila papatakasin at may posibilidad na patayin ka nila, Bakit ka ba hinahabol ng mga iyon?" Unti unti niya akong nilapitan at umupo sa tabi ko..
"Pakawalan mo ako... Grrrrrr... pipirapirasuhin kita kapag nakatakas ako dito"
"Hmmm... sa aking palagay namumukaan mo na ako, pero hindi naman ako masama katulad ng Amain ko" nagkaroon ng lungkot sa kanyang mga mata
"Paano naman ako makakasiguro na Hindi ka kaaway, Kapatid mo ang Traydor sa Lahi ng mga Vampire, Kahit alam naming Kalahating Wizard kayo, Paano nyo nagawa sa mga kalahi nyo ang Traydorin kami... Grrrrrr..."
"Hindi ako kaisa sa kanila, Hindi ako pabor sa mga ginawa nila, kaya ako tumakas at namuhay dito sa kagubatan pagkatapos kong malaman na itinuloy nila ang pakikipag sanib pwersa sa mga demons, Ang aking Kapatid na si Jake siya ang humikayat sa aming angkan"
Bumigkas siya ng salita para makagalaw na ako..
"Saglit lang, Ano bang pangalan mo?" Tanong ko sa kanya
"Ako si Richard, Half Vampire Half Wizard, Malaki ang kasalanan ng aking Ama sa mga Vampire dahil sa kapangyarihan kaya niya naisip na kumampi sa mga Demon kasama niya ang aking Kapatid na si Jake"
"Pasensya ka na pero kailangan ko ng Umalis" patayo na ako sa papag na hinigaan ko kanina pero Hinawakan niya ako sa Braso
"Maamoy ka nila" sabi nito sa akin
"Anong kailangan kong gawin? Maligo muna "napangiti siya sa sinabi ko
"Ang ibig kong sabihin, Malakas ang pang amoy ng mga Demons, higit sa Dalawang beses ng pang amoy natin ang pang amoy nila"
"ahh.. eh! bakit hindi ka nila maamoy? Diba dapat hinahanap ka na nila"
"Dahil... Dahil sa mga halamang gamot at may Natuklasan ng Spell na makakapagtaboy sa kanila, Isa narin ang tindi ng sikat ng Araw sa mga dahilan"
Napaisip ako sa sinabi niya kaya hindi ko na tinuloy ang paglabas sa pinto, Binitawan naman niya ang braso ko noong tinignan ko yung kamay niya na nakahawak sa Braso ko
"Tutulong ka ba?"tanong ko sa kanya
"Ano bang plano mo? " tanong niya
"Hahanapin ko muna ang Dalawang Huling Prinsesa, Sila ang kailangan ko para mailigtas ang mundo namin"
"Saglit lang, Ano itong nasa kamay mo, Bakit pulang pula?" Hinawakan niya ang kamay ko
"Wala ito" Sabay tanggal ko ng kamay niya
"Napaso ka sa Araw, wala ka bang panlaban sa Sikat ng Araw? Halika rito, Umupo ka muna gagamutin kita" pinaupo niya ako sa papag
Bakit ganito siya sa akin? Bakit parang ang gaan gaan ng pakiramdam ko sa kanya, Ang Kisig niya, Ang ganda ng kanyang mga mata, Napansin ko ring Pang Prinsipe ang kanyang kagwapuhan.. Ang tangos ng ilong at ang mga Labi niya..
"Aray" Pagkadampi ng Gamot sa aking mga braso
"Sa una masakit pero mabisa ito, mamaya magpahid ka nito" sabay abot ng likido na nasa bote "Ito ang magsisilbing panangga natin sa araw, Tandaan mo ito, isa kang Vampire hindi ka pwedeng Maarawan"
"Tatandaan ko yan, Ok na ba?" tinignan ko ang braso ko na napaso
Pero Hindi ko talaga maintindihan ang Gumagalaw sa Loob ko, Baka epekto ito ng Sikat ng Araw dahil sa sobrang Init
"Pwede bang magtanong?" seryosong tanong ko sa kanya
"Bakit anong nararamdaman mo?"
Napaisip ako kung sasabihin ko sa kanya yung nararamdaman ko sa Loob ko
"May gumagalaw kasi dito sa loob ko"sabay turo ko sa bandang dibdib ko
Pero nginitian lang niya ako, Napansin kong Ang gwapo rin niyang ngumiti..
"Wala lang yan, Natural lang ang pagtibok ng puso mo, Magpahinga ka muna at may pupuntahan lang ako"
Humiga ako sa papag habang siya naman ay Umalis na para maghanap ng mga halamang gamot...
"Puso? Ano yung Puso, nasa loob ko? para saan?" Tanong ko sa sarili ko
Inilagay ko ang kamay ko sa dibdib ko at patuloy parin ito sa paggalaw..
"Hala.." sabay tanggal ng kamay ko dahil ngayon lang nangyari ito
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfiction((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...