NADINE'S P.O.V.
Isa-isahin natin ang mga kamalasan na nangyari sa akin kahapon, Natapunan ako ng Pintura, Nakasama ko ang Isang Evil RichKid na si James, Naging Fake Girlfriend niya ako, Muntik na akong madisgrasya and Lastly Pinagalitan ako ng Mommy ko pagpasok ko palang ng Gate ng Bahay namin..
Grounded lang naman ako ng 2Weeks, It means hindi ako makakapagUpdate sa Wattpad ko For 2 weeks dahil tinanggal ni Mommy yung WiFi na nakakabit sa buong bahay namin at Landline lang ang pwede Kong gamitin dahil Confiscated yung Phone ko...
Ang Saya ko talaga! Napakasaya ko! Huwag na huwag lang magpapakita sa akin ang James na yan dahil Ayaw ko talagang Maaninag Maski anino niya baka magdilim yung paningin ko...
Papasok na ako sa Room namin, At hindi ko alam kung anong Excuses ang sasabihin ko sa Prof. Namin (Nasa College na ako at Isang Semester nalang ang tatapusin ko, Graduate na ako ng Engineering)
Gusto kasi ni Mommy tumira sa Canada after Kong makaGraduate kaya Ito yung kinuha ko kahit iba naman ang Gusto ko, Kahit Writer ako mas Gusto kong maging Photographer dahil mas naeexpress ko ang Feelings ko at yung totoong Ako sa mga Kuha (Pictures) ko..
Pag upo ko sa upuan ko sakto naman ang Dating ng Prof. Namin at ako agad ang napansin (Dahil siya lang naman ang Tita ko, Siya yung nagsumbong Kay Mommy na hindi ako Pumasok)
"Oh! Miss Samonte, You're here na, Ano ang dahilan sa hindi mo pagpasok kahapon?" Palapit siya sa akin at dahan dahan akong tumayo
"Ah... Eh... Ma'am.. I'm Really Sorry, nagkaEmergency lang po ako" mahina Kong sagot habang nakayuko
"Emergency? What kind of Emergency? At parang hindi pa Ito Alam ng Parents mo noong tumawag ako?" Tinitigan niya ako kaya feeling ko matutunaw na ako sa kinatatayuan ko
Isip Nadine, Isip! Diba matalino kang nilalang... Kailangan mong makaisip ng magandang dahilan yung kapani-paniwala..
"Ma'am... Ano po kasi... Bawal po talaga"
"And Why, you can't tell us the Reason of your Absence?" Naiimagine Kong may Usok na lumalabas sa Ilong at Tenga ni Prof.
"Ma'am... Pwede bang mamaya nalang ako magpapaliwanag, pero kung Gusto nyong malaman ibubulong ko nalang po sa Inyo"
I think may naisip na talaga akong Dahilan *Evil Smile*
"Sige, and What is It?" Tanong niya na parang galit
Ibinulong ko naman sa kanya "Ma'am nagkaRoon po kasi ako ng Period" bulong ko sa kanya
Natahimik naman siya at Nahihiya ko siyang tinignan
"Oh, sige, Ngayong alam ko na yung Reason mo, Tatanggapin ko ito pero next time tell me If you need help... Hindi mo naman kailangang umabsent, You may now Take your seat"
Yes! Nakalusot, pero ngayon ko lang ginawa yun, baka isipin nyo lagi Kong ginagawa yun
"OK class.. bago ko simulan ang klase ngayon, meron lang akong Ipapakilala, And I'm sure kilala nyo siya dahil sikat siya sa buong School, Lumipat siya.. Este pinalipat siya dahil kilala siya sa pagkapilyo... You may now enter the Classroom, Mister John James Rivera"
MISTER JOHN JAMES RIVERA
MISTER JOHN JAMES RIVERA
MISTER JOHN JAMES RIVERA
Paulit-ulit Ito sa Utak ko..Ay! Grabi sya oh.. Inulit ulit pa ang pinakanakakairitang pangalan sa balat ng lupa, Anong problema mo sa akin?
Pero ramdam kong Kumukulo yung Laman ko, Umiinit yung Ulo ko sa Pangalan na Kahindik hindik at NakakaSira ng Araw, Pero Sana naman Nananaginip lang ako ngayon
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfic((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...