Nadine's P.O.V.
Papasok na ako ng Classroom at medyo nagmamadali ako dahil baka isumbong ulit ako ni Tita Prof buti nalang hindi niya ako isinumbong noong nahuli niya ako kahapon na nakaEarphone sa Klase niya dahil Umiiwas ako sa pangungulit ni James
Hay! nako. Unang Silip ko palang si James na agad ang nakita ko, Nakaheadset siya at Halatang nakikinig nanaman siya ng Mga Rock music..
Pero papasok ba ako o Hindi, Parang tinamad na tuloy akong pumasok noong nakita ko ang pagmumukha ni James pero tumingin ito sa Pintuan at agad naman akong nagtago
Sinilip ko ulit, Hindi na siya nakatingin kaya binilisan ko ang Lakad papunta sa upuan ko, Hayst! Ang Shunga ko talaga, Magkatabi nga pala kami ng Tukmol na Ito
Hindi ako tumingin sa kanya, Kunyari may kinukuha ulit ako sa Bag ko, Sa Unahan lang ang tingin
Pero kita Kong may sinusulat siya, at inilagay niya sa desk ko tumingin naman ako sa kanya at tumingin ako sa sulat
"Ano toh?" Tanong ko
"Ngayon ka lang ba nakatanggap ng letter?" Dumating naman ang Prof namin kaya kinuha ko Ito at iniligay sa bulsa ko
Habang naglelecture si Prof at sigurado akong may Short Quiz kami mamaya kaya hindi ko muna pinagkaabalahan ang Sulat na ibinigay ni James kahit Gustong gusto ko ng malaman ang Nilalaman nito
May naramdaman akong bumato sa akin ng Maliit na papel at alam ko na agad kung saan nanggaling yun "Hoy Nerdy Girl, Basahin mo na yung sulat ko"
Medyo nacucurious na ako pero baka masita nanaman ako ni Prof. ayaw ko ng Maistrike 3 dahil patay talaga ako kay Mommy..
Sinenyasan naman ako ni James noong tumingin ako sa kanya na Basahin ko na daw yung sulat "Oo na!" Sagot ko pero walang Boses
Pahapyaw Kong binuklat yung papel at nabasa ko yung salitang 'Nerdy' itinago ko ulit dahil naglilibot si Prof.
Tumingin naman ulit ako Kay James "Nabasa mo na?" Tanong ulit niya pero wala ring boses
Tumingin ako sa Ilalim ng Desk ko dahil doon nakalagay yung sulat
"Nerdy Girl mag-usap tayo mamayang break time sa Cafeteria, May sasabihin ako sa iyong Importante, Patay ka talaga sa akin kapag hindi ka sumipot"
Ano nanaman kaya ang Sasabihin nitong mokong na ito, Pero may pumasok sa Classroom, Yun yung Prinsipal ng School kaya umayos ako ng Upo
Parang namumukhaan ko yung lalaki at yung babaeng kasama niya..
Sila yung...
"Good morning Class may bago tayong Transferee sila sina Ms. Maine Faulkerson at Mr. Richard Faulkerson" parang wala sa katinuan ang Principal namin at wala siyang kakurapkurap at agad naman itong Umalis at Pinaupo na sila ni Tita Prof sa Bandang Likuran...
Malamang magkatabi sila, Siguro maraming magdidiwang na kababaihan dahil Magkapatid lang pala ang Dalawang Ito, Pero hindi sila Magkamukha at Napansin ko rin na kakaiba yung Kutis nila... Sobrang Putla
Nakaupo sila sa Likod at Sobrang tahimik nila, Halos sila lang dalawa ang Nag-uusap at minsan naman may Kumakausap sa kanila pero Iling lang at Tango ang sagot nila
JAME's P.O.V
No way bakit sila naandito at ano ba ang Ginagawa nila dito, Coincidence lang ba na Magsasama ang Dalawang Pinakagwapo sa Room na Ito, Hindi ako makakapayag dahil ako lang dapat ang napapansin, halos lahat ng Babae sa Kanya na nakatingin
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfiction((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...