CHAPTER 52:

912 36 0
                                    

Kathryn's P.O.V.

Naglalakad kami ngayon sa Kalagitnaan ng Madilim na Gubat na ito. Pero ang Kaibahan, Kasama na namin si DJ kahit Malayo siya sa akin at Hindi ko siya Pwedeng Lapitan. Mas Ok na yun kaysa sa Dating Mag-isa lang siya sa Lugar na ito

Tungkol nga pala doon sa Pagsigaw ko ng malakas. Mayroon kasing mga Insektong Humabol sa akin, Parang Ipis yung Itsura nito sa Mundo ng mga Tao pero medyo malaki yung Ipis kaya Napasigaw na ako.

Mabuti nalang Mabilis Lumipad si DJ at agad akong Nailayo sa Lugar na iyon. Pero agad din niya akong Nilayuan pagkatapos niya akong Maibaba sa mga Wizard.

"Saan na tayo pupunta?" Tanong ni Marcus

Huminto naman sa Paglalakad si Hilarious. At Agad na Tumingin kay DJ.

"Hoy! Ikaw na may Pakpak! Diba, Kaya mong Lumipad ng Mataas?"

Tinignan naman siya ni DJ "malamang, Nakikita mo namang may Pakpak ako, Diba?"

"Tignan mo kung Nasaan na tayo"

"Aba! Kung Makautos ka lang sa akin, parang Aso mo lang ako ah!"

Mukhang may Naaamoy akong Tensyon sa Dalawang ito

"Eh, sinabi ko naman kasi sa iyo na Lumayo ka sa amin, diba? Kaya kung Gusto mong Makatulong Sumunod ka nalang"

"Saglit lang! Bakit ba ang Init-init ng Dugo mo sa akin? Naghahanap ka ba ng Away?"

"Kung Sabihin kong Oo!"

Agad silang inawat ng mga Kasamahan nila, Medyo Nalito rin ako kung kanino ba ako Pupunta.

Kay DJ ba o kay Hilarious

Nagpalipat-lipat ako ng Tingin pero mas Pinili ko nalang na Mamagitan sa kanilang dalawa

"TEKA! TEKA! TEKA LANG! Tumigil na kayo, Para kayong mga Bata... Bakit ba kayo Nag-aaway?"

Huminto naman sa Pagbabangayan yung Dalawa at Hindi na nila ako Matignan ngayon

"DJ, Alam kong Naging Masama kami sa iyo pero Matutulungan mo naman kami diba?" Sabi ni Marcus kay DJ

Tinignan ko si DJ at Agad naman niyang naGets yung Tingin ko sa kanya

"O sige, Kung Hindi lang Dahil kay Kath siguro Hahayaan ko nalang kayo dito" maangas na Sagot ni DJ

Psh. Napakayabang Talaga nitong Best Friend kong ito, pero NakakaMiss rin yung Pagiging Mayabang niya

Agad siyang Lumipad ng Mataas kaya Hinintay muna namin siya Hanggang sa Makabalik siya. Paniguradong Hinahanap narin niya ang tamang Daan para Makapunta sa Lagusan ng mga Fairy

"Sa Tingin mo ba Makakabalik pa tayo?"

Narinig kong Nag-uusap si Clever at Steeve na Palaging Tahimik simula noong Mapunta kami dito sa Dark Forest

"Hindi ako Sigurado... Pwedeng Ligtas nating Maihatid ang Prinsesa pero Hindi ako sigurado sa Mangyayari sa Ating Apat" -Steeve

"Ano ka ba... N-nawawalan ka kaagad ng Pag-asa dyan"

Tinignan ko si Hilarious na Mag-isang Nakaupo sa may Puno. Napakaseryoso Talaga niyang Tao, pero alam kong May Concern din siya sa mga Kaibigan niya kahit Hindi niya Ipinapakita

"Ayan na yata si DJ" Napatingala kami sa Taas kahit sobrang Itim ng Kalangitan, Tanging ang Kulog at Kidlat ang Nagbibigay ng Liwanag sa amin

Mabuti naman at Ligtas siya at Hindi siya Natosta. Mukhang Umaambon nanaman kaya Ginamit ko ulit ang Kapangyarihan kong Bumuhay ng Puno para Masilungan namin

We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon