Kathryn's P.O.V.
Umuwi na ako sa bahay dahil ramdam ko na masakit na ang Paa ko, Papasok palang ako ng Gate ng maramdaman kong NagVibrate yung cellphone ko
May Nagtext... Si Mama pala kaya umupo muna ako sa Upuan na nasa Harap ng bahay namin...
Mama: "Anak nasaan ka na?"
Imbes na Magreply ako kay Mama, Ibinulsa ko nalang yung Cellphone ko, Pumikit ako at Saglit na nagpahinga
Isinandal ko ang Ulo ko sa Pader at Nagpakawala ng malalim na Buntong hininga
"Bakit ang tagal mong Dumating? Saan ka nanggaling?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko kaya Napamulat ako
"Balita ko, Hinahanap mo daw ako" sabi nito habang nakasandal sa may Pader at Nakatingin sa akin
"DJ!?" nilapitan ko siya at agad na niyakap, Alam kong nagulat siya pero niyakap rin naman niya ako pabalik
Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya at Agad siyang hinampas sa Braso "ARAY! Para saan naman yun?" Habang hinihimas ang Braso niya
"Para yan sa pagiging Selfish mo, Bakit hindi ka manlang nagsabi? Pinag-alala mo ako!" Sabi ko sa kanya
"Paano ko yun gagawin, Eh! Nasa Ospital nga ako? Wala naman ako Cellphone para tawagan ka" pagpapaliwanag niya
"Basta! Dapat gumawa ka ng Paraan, Masyado mo akong Pinag-alala"
Ngumiti naman siya at Tumawa ng Mahina "Oh! Anong nakakatawa?" Naiinis kong sabi
"Daig mo pa ang Girlfriend kung mag-alala" sabi niya na mas ikinais ko
"Aba! Lokoloko ka talaga, Masama bang mag-alala ang Bestfriend mo?" Sabi ko na nakapamewang pa
"Hindi naman, pero OA ka kasi" sabi niya na parang nang-aasar
"Nag-alala lang naman ako baka Sinaktan ka nanaman ng mga Kapatid mo, Pero ano ba talaga ang nangyari sa'yo?" Tanong ko sa kanya at Umupo ulit kami sa Upuan na nasa Harap ng Bahay namin
"Hindi ko Alam, Basta nahimatay nalang ako, pero Tama ka sa Hula mo dahil Nagkagulo nanaman sa bahay, umuwing lasing si Kuya tapos nagalit si Ate pinagtulungan nila ako, Katulad parin ng Dati pero Hindi ko na kinaya" Napansin kong nawala ang mga Ngiti sa Mata niya at Napayuko nalang para hindi ko makita ang pag-iyak niya
Hinawakan ko siya sa kamay at Tumingin naman siya ng Seryoso sa akin, Hinawakan rin niya ang Kamay ko "Huwag ka ng malungkot, Basta naandito lang ako, Sabi ko kasi sa'yo umalis ka na doon mas lalong lumalala ang pananakit nila sa iyo"
"Pagtanaw ko iyon ng Utang na loob sa Mama at Papa ko, Sabi kasi nila huwag ko daw papabayaan ang Kuya at Ate ko, Dahil alam nilang mas Responsable ako kaysa sa mga Itinuring kong Kapatid at..."
Pinutol ko ang pagsasalita niya "Hindi mo na kailangang gawin yun! Huwag ka ng magtiis na makasama sila, Tao ka rin DJ, nasasaktan ka rin at Hindi mo na sila Responsibilidad dapat nga Ikaw yung Inaalagaan nila, Paulit-ulit nalang tayo"
Habang nag-uusap kami biglang lumabas sa Pinto si Mama kasabay ang isang Lalaki na ngayon ko lang nakita, Nagtaka tuloy ako at napakunot ang Noo
"Ma, Sino siya?"
"Yung Mukha mo! Huwag kang mag-alala kasama ko yan, Siya yung nakakita sa akin noong nawalan ako ng Malay, Sir Eduardo siya nga pala yung kaibigan ko"
"Ayan ka nanaman sa mapaghinala mong mata, Osya! Maiwan ko muna kayo" sabi ni Mama at Agad naman siyang pumasok sa Bahay dahil may niluluto pa siya
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfiction((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...