AUTHOR'S NOTE
Hi po 😁 Pasensya na po sa mga Late Updates ko at sa mga Typo na mababasa nyo sa Chapter na Ito. Sana rin po magustuhan nyo ito kahit Pahaba na ng Pahaba ang bawat UpDate chubachuchu
Sa mga Patuloy na Nagvo-Vote, specially sa mga Nagco-Comment sa mga Update ko at sa Wall ko. MARAMING MARAMING MARAMING SALAMATSSS PO TALAGA
Grazie! 😘😘😘Hope you like it
LOVE!
LOVE!
LOVE!😍😍😍
...Fairy Land...
Author's P.O.V.Napakabilis ng mga Pangyayari...
Nabalot ng Lungkot at Hinagpis ang Kaharian ng Fairy Land. Hindi Tumila ang Ulan noong Araw na iyon, kasabay ang Walang Humpay na Pag-iyak ni Kathryn at ng mga Fairy
Hawak parin ni Kathryn ang Kwintas na Ibinigay sa kanya ni Prinsesa Bella bago ito Pumanaw. Nasa likuran lang niya sila Marcus, Hilarious, Clever, Herbano at DJ Habang siya ay Nakatingin sa Pumanaw niyang Ina.
"Hindi ko parin lubos maisip na may Lalason kay Prinsesa Bella" -Hilarious
"Sino naman kaya ang Gagawa nun? Halos lahat ng mga Fairy, Mahal na Mahal siya" -DJ
Napatingin naman sila kay Marcus noong Nagsimula na itong Humikbi
"Hoy! Ano nanamang Iniiyak-iyak mo dyan?" -Clever
"Hindi ko alam kung Bakit ako Umiiyak... Pero Nalulungkot talaga ako sa Pagkamatay niya" sagot nito sa Pagitan ng Paghikbi
"Sana maparusahan ang Gumawa nito sa kanya" -Hilarious
Natahimik ang mga Mandirigma noong Nakita nilang Humakbang Palapit kay Prinsesa Bella si Kathryn. Lumuhod ito sa ibaba ng Kama ni Prinsesa Bella.
"Ipinapangako ko po sa inyo na Gagawin ko ang Lahat para lang Maprotektahan ang Kahariang Ito... Kung Totoo ngang Nilason po kayo, Sisiguraduhin kong Mapaparusahan siya... Hindi po dapat Nangyari sa inyo ang Ganito,Kahit Hindi po kayo ang tumayong Ina ko... Nararamdaman ko pong Minahal nyo ako at Ginawa nyo lang po ang Alam nyong Makakabuti sa akin, Alam ko rin pong Hindi nyo Kagustuhang Magkalayo tayo noong Bata palang ako pero... " Hinawakan ni Kathryn ang Kamay ni Prinsesa Bella at Napayuko para itago ang Pag-iyak niya
"... Pero Nakayanan nyong Hindi ako Makita, Ina... Sana po maging Masaya po kayo kung Nasaan man kayo ngayon, Siguro kapiling nyo na po ang Dakilang Maylikha,... Naging Masaya rin po ako dahil Nakilala ko kayo" Ngumiti siya habang Pinipigilan niyang Mapaiyak at tinignan ang Kwintas na Ibinigay sa kanya ni Prinsesa Bella bago Tumingin ulit dito
"Iingatan ko po ang Kwintas na ito... Alam kong Mahalaga sa inyo ang kwintas na ito kaya po... Habang Suot ko po ito... Lagi ko po kayong Maaalala"
Isinuot na ni Kathryn ang Kwintas. At Agad na Tumayo para bumalik sa Pwesto niya. Pero noong Umatras siya Nagtaka sila DJ dahil Naglaho nalang Bigla si Kathryn
"Nakita nyo ba iyon?" -Marcus
"Saan napunta ang Prinsesa? Nawala nalang siya Bigla" Nagtatakang Sinabi ni Clever
"Hahanapin ko lang siya" Aalis na sana si DJ at Hilarious pero Natigilan sila noong Nagsalita si Herbano
"Naandito parin siya... Nakatayo lang siya sa Kung saan natin siya Nakitang Naglaho... Ganyan siguro ang siya kapag Itinatago niya ang Pag-iyak niya sa Tuwing Nalulungkot siya ng Sobra"
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfiction((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...