Maine's P.O.V.
Nagising ako na may nakabalot sa akin na Balabal, Mukhang Kay Richard ito dahil wala siyang Hood ngayon, Nakatalikod siya sa akin at napansin Kong hawak nanaman niya ang Librong ibinigay daw sa kanya ng Ina niya, Sumilip ako at Nakakita ako ng isang Kulay Itim na Laso na may Bulaklak na halatang lanta na
"Ano yan?" Tanong ko sa kanya
"Kanina ka pa ba gising?" Nagulat nitong tanong at agad itinago ang Libro sa gilid niya
"Hindi naman, Kakagising ko lang, ahmmm.. Salamat nga pala sa pag aalaga sa akin"
"Walang ano man, Pero sana naman bigyan mo pa ako ng pagkakataon, para patunayan sa'yo na mapagkakatiwalaan mo ulit ako" sabi niya
Napaisip ako sa sinabi niya, Alam ko namang Hindi na siya Hunter pero natatakot ako na baka pagdating ng panahon pagsisishan Kong Binigyan siya ng isa pang Pagkakataon
"Alam kong mahirap na ulit akong pagkatiwalaan pero gagawin ko ang lahat para magtiwala kayo ulit sa akin"
Napatingin naman ako sa kanya, Halata sa mga mata niya na Totoo ang mga sinasabi niya, Hindi ko malaman ang dahilan kung bakit ako tumango
Pero hindi ko maialis sa isipan ko ang Itim na Laso na nakaipit sa Libro ni Richard, Napansin naman niyang tinitignan ko ito "Ano bang tinitignan mo?" Tanong niya
"Ahmm... Wala lang, Medyo pamilyar lang sa akin yung Laso pero Hindi ko alam kung saan ko yan nakita"
"Ah. Yung laso ba ang tinitignan mo?" Kinuha niya sa gilid niya yung Libro at binuksan sa nakaipit na laso
"Bigay din ba yan ng Ina mo, Napakaganda naman ng bulaklak, Kahit lanta na ito, Halata parin ang kulay Dilaw na kulay at Mabango parin ang Amoy" Hinawakan ko ito at Napangiti ako sa Amoy nito
"Hindi si Ina ang nagbigay ng Lasong iyan, Matagal na iyan sa akin Simula pa noong Bata ako, Iniipit ko yan sa Librong ito para Hindi mawala dahil napakahalaga nyan sa akin"
Nagtaka naman ako sa sinabi niya at nakita Kong nakangiti siya habang nakatingin din sa bulaklak
"Mahalaga? Sino bang nagbigay nito?" Tanong ko sa kanya
Richard's P.O.V.
Hindi ko talaga mapigilang mapangiti sa tuwing naaalala ko ang mga Araw na Nakilala ko ang isang babae sa Kagubatan ng Dark Forest, Bata pa ako noon pero Sariwa parin sa Alaala ko kapag pinagmamasdan ko ang Lasong iyon dahil Siya ang Una Kong pag-ibig pero Hindi ko na siya nakita noong nagkagulo sa Mundo ng mga VAMPIRE
"Matagal na iyon at Hindi na dapat balikan" sabi ko at tumingin ako sa kanya
Nakikita ko sa mukha niya ang pagtataka Pero nagkibit balikat Nalang siya at isinara ang Libro, Tinignan niya ang braso niya at Agad namang naghilom ang sugat nito.
"Mukhang mabisa ang inilagay mong gamot sa Braso ko, kaya ako na ang maghahanap ng pagkain"
Tumayo siya pero agad ko siyang pinigilan para Umalis "Hayaan mo na akong Bumawi sa mga Nagawa ko kaya ako na ang maghahanap ng pagkain"
Tinignan niya ako at agad naman akong tumayo "umupo ka nalang ulit" hindi siya nakakibo at mabilis akong tumakbo para makahanap ng hayop sa kagubatan.
Habang naghahanap ako ng Hayop, nakakita ako ng Dalawang kambing sa Ilog kaya yun nalang ang hinuli ko, Mabilis kong itinali ang mga Paa nila...
Bumalik na ako sa lugar na pinag-iwan ko kay Maine, Nakita ko siyang nakaupo at Pinagmamasdan ang mga Paru-paro na Dumadapo sa mga Bulaklak na nasa Paligid niya
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fiksi Penggemar((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...