Kathryn's P.O.V.
Nagliwanag yung Libro at bumukas ito na parang may sariling buhay. Kaya pumasok sa isip ko na parang napakahiwaga nga nito at baka mangkukulam nga yung babae, kaya nilapitan ko ito at ipinatong sa hita ko..
Kahit nakakasilaw pinilit kong tignan ang nakasulat sa unang pahina nito
"THE MAGICAL WORLD OF IMAHINARNYA" na parang nagliliwanag rin ang bawat letra nito
Inilipat ko sa pangalawang pahina pero biglang nawala yung liwanag at wala ring nakasulat na kahit ano sa mga sumunod na pahina
"Ano ba yan niloloko lang yata ako ng Librong ito" Kaya inilagay ko muna ito sa loob ng Cabinet ko
Naisip ko na habang wala pang naghahanap sa librong iyon doon muna siya sa Cabinet ko
Bumaba na ako para kumain dahil nagugutom narin ako at pupunta pa ako kila Jennifer para makibalita ng Mga ginawa nila sa Klase kanina
"Mama, pupunta lang ako kila Jennifer para magtanong ng Assignment"
"Ok na ba ang pakiramdam mo? itext mo nalang kaya"
"Ok na po ako Mama, Para hindi po sayang sa Load"
"Oh sige iaakyat ko lang yung mga tiniklop kong damit mo sa Kwarto mo"
"Sige po, mauna na po ako"
Naglalakad na ako papunta kila Jennifer ng biglang may tumakip ng mga mata ko
"Hulaan mo kung sino ako" sabi niya
"Sino ba ito?" tinanggal ko yung kamay niya at tumingala ako para malaman ko kung sino siya
"Ikaw lang pala DJ"
"Oh, bakit parang ang lungkot mo?" tanong niya
"Kasi masyado na akong nalilito sa mga nangyayari sa akin"
"Nalilito? Bakit ano bang nangyayari sayo?"
"Hindi mo maiintindihan, Pero kanina yung Libro..."
"Anong Libro?" Sa tanong niyang iyon may bigla akong naalala
Yung Libro nasa may Cabinet ko, sabi ni Mama maglalagay daw siya ng Damit doon "Pasensya na DJ may aayusin lang ako" Dali dali akong tumakbo pabalik sa bahay
"Yung Libro baka makita ni Mama" dali dali akong pumasok sa kwarto ko
Nakita kong hawak hawak ni Mama yung libro habang nakaupo sa kama ko
"Ano itong Librong ito? Saan mo ito nakuha?"
"Ma magpapaliwanag po ako, Naiwan lang po yan ng babaeng nakasalubong ko" pagpapaliwanag ko
"Ang MAHIWAGANG LIBRO NG IMAHINARNYA" nagulat ako noong sinabi ni Mama yung salitang iyon bigla akong napahinto
"Pa-paano nyo po ... nalaman?"
"Naandito na sila sa Lupa, Sa palagay ko ito na ang tamang panahon para malaman mo ang tunay mong pagkatao"
"Tunay pong pagkatao?"
"Oo, huwag kang mabibigla sa sasabihin ko" seryosong sinabi nito sa akin habang nakatayo lang ako sa may pinto "Seryoso po ba ito?" tanong ko habang pilit kong iniisip kung ano ba talaga ang mga nangyayari
"Ikaw ang Prinsesa ng mga Fairy"
"Fairy? Si mama talaga mapagbiro, walang Fairy sa Mundong Ito" nakangiting sabi ko habang palapit sa Mama ko
"Sa mundong ito Wala, pero sa Mundo mo, Mundo Natin, Meron" hinawakan ni Mama ang dalawang kamay ko
"Huwag kang matakot dahil wala kang dapat ikatakot, Pero Ok lang na maguluhan at manibago, Ang mga pagbabago na nararanasan mo simula noong bata ka pa ay parte ng pagiging Maharlikang Fairy"
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfiction((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...