KATHNIEL&ALDUB
KinaHapunan...
Hindi nagkikibuan ang Prinsesa at si Maine kahit gustong magsalita ni Maine nahihiya itong humingi ng Paumanhin sa Prinsesa dahil sa mga sinabi niya pero Napag-usapan na nila ni Richard na itutuloy nila ang pagbabantay sa Prinsesa, kahit ayaw nito
"Iho, mukhang iba yata ang bihis nyo ngayon ah, Bakit parang may tensyon sa dalawang Ito?" Tanong ng Mama ni Kathyn
"Nagkasagutan lang po kanina, Naisipan po kasi naming pumasok sa School para mabantayan ang prinsesa" pagpapaliwanang ni Richard
"Papasok kayo sa School? Paano naman kayo papasok sa School? Wala kayong kaalam alam sa mundong Ito"
"Mas mainam pong lagi naming nababantayan ang Prinsesa para hindi siya mapahamak"
"Kung iyan ang iniisip nyong mabuti, Kayo na ang bahala basta mag-ingat din kayo,Iho"
"Mag-iingat po kami" ngumiti Ito sa Fairy at ginatihan rin naman Ito ng Ngiti ng Fairy.
Samantalang walang Imik na umakyat sa taas ang Prinsesa kaya sinundan siya ng kanyang Mama
Kumatok Ito sa pinto ng Anak-anakan at nilapitan Ito sa Kama habang nagsecellphone
"Pwede ka bang kausapin, Anak" tumango ang Prinsesa at inilapag ang kanyang Cellphone
"Anak, alam Kong naninibago ka pero para naman Ito sa kaligtasan mo"
"Pero mama, Hindi na ako bata kaya ko na ang sarili ko at Naiinis ako kapag may sumusunod sa akin"
"Anak, naandito na ang mga Demons, Hindi mo alam kung ano ang kanilang gawin kapag nakita ka nila"
"Bakit pa kasi ako naging Prinsesa, Gusto ko lang ng normal na buhay, Sana hindi nalang ako..." hinawakan siya ng mama niya sa kamay
"Anak, huwag mong sabihin iyan, napakaswerte mo dahil maraming tao ang nangangarap sa Pantasyang Ito pero ikaw ang maswerteng pinagkalooban ng Ganitong buhay, Tanggapin mo Ito para tanggapin ka rin nito, Anak kausapin mo sila dahil ikaw ay Ikaw at hindi dahil Ikaw ang Prinsesa nila na dapat Protektahan pero Ikaw rin ang kilala Kong Kathryn na kayang harapin lahat ng pagsubok sa buhay at may Mabuting kalooban"
Mahaba man ang sinabi ng mama niya, pero naintindihan niyang lahat kaya kinausap na niya ang dalawang Vampire na nasa Sala
"Payag na akong bantayan nyo ako... Sana pagpasensyahan nyo ako kanina siguro Naninibago lang ako ngayon kaya ko nasabi yung mga nasabi ko sa inyo kanina"
Agad tinignan ni Richard si Maine kaya Nagsalita narin Ito "pasensya narin sa nasabi ko kanina, Hindi ko rin sinasadya"
Halatang Nagkakailangan ang mga ito habang nag-uusap "Kung papasok kayo sa School,ano naman ang kukunin nyong Course?" Tanong ni Kathryn
"Course? Kailangan pa ba nun?" Tanong ni Richard
"Oo naman, Huwag nyong sabihin na HRM din ang kukunin nyo?" Tanong ni Kathryn
"Bakit ano ba dapat?" Tanong ulit ni Richard
"Hmm.. Pansin Kong matatalino kayong mga Vampire pero hindi parin sapat, pwede sana si Richard sa Nursing o PagdoDoctor pero gusto nyo ba magkasama kayo?"
Nagkatinginan lang ulit ang dalawang Vampire "hindi naman sa lahat ng Oras pero..." Naputol ang pagsasalita ni Maine
"...Pero kailangan para mas mabilis ka naming mapuntahan, Siguro yung Malapit nalang sa Silid mo,yun yung Course na sasabihin namin dun sa Prinsipal nyo"
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfiction((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...