CHAPTER 42:

1.2K 48 4
                                    


Nadine's P.O.V.

Nasa Loob na kami ng Bahay, Nakaupo kami ni Reidario sa Sofa at Nakatayo sa Harap namin si Daddy At si Tita Prof. Masama ang loob nila ngayon sa akin dahil Kasama ko si Reidario na inaakala nilang si James

"So, Kailan pa kayo? Tinanong na kita dati pero ang Sinabi mo sa akin, Walang kayo!" Sabi ni Tita

"Alam mo bang Nasa Hospital ngayon ang Mommy mo dahil sa Ginawa mong pagsama dito sa Lalaking ito!"

Napayuko nalang ako at hindi ako nagsalita dahil Nag-iisip talaga ako ng Magandang Dahilan. Paano kaya kung Sabihin kong Hindi talaga si James ang Katabi ko ngayon... Pero baka Magtanong pa sila ng Magtanong

Hayst, Hindi pa naman nagpapaniwala sila Tita Prof at Daddy sa mga Paliwanag ko.

Gusto kong Mag-isip pa ng mas Magandang Palusot bago ko sabihin ang Totoo sa kanila pero biglang Nagsalita si Reidario

"Mawalang galang na po pero..."

Hinawakan ko ang Kamay niya at Tinignan ko siya sa mata sabay Iling "Huwag mo munang Sabihin" mahinang sinabi ko sa kanya

"Bakit hindi ko pwedeng sabihin?, Akala ko ba..."

"Anong hindi nyo pwedeng Sabihin?... NADINE!" sabi ni Daddy kaya Napatingin kami ni Reidario kay Daddy na Galit na Galit

"Umamin ka nga sa amin! Ano bang Meron sa inyo?"

HALA! Ano bang dapat kong isagot para itigil na nila ang Pagtatanong ng ganun. Nagkatinginan kami ni Reidario sa Tanong ni Daddy, Hawak ko parin ang Kamay niya at Hindi ko alam kung bakit hindi ko pa Binibitawan ang Kamay niya hanggang Ngayon

"James, Kailan pa lumabo ang mga Mata mo? Bakit may suot kang salamin?" Tanong ni Tita

"Talagang malabo..." Hindi nanaman naituloy ni James ang Sasabihin niya dahil pinisil ko ang kamay niya

"Ahmm... Tita, medyo malabo na po talaga ang Mata niya kaya Nagsalamin na po siya"

"IKAW NA BATA KA! Hindi nyo pa sinasagot ang Tanong ko! Ano yung hindi nyo pwedeng sabihin?"

DUGDUG! DUGDUG! Ito ang Tunog ng Kabadog Churbalu ko, Grabi! Ayaw tumigil, Nakikisabay pa sa Pag-iisip ko kung ano ba ang isasagot ko kay Daddy

Sa tuwing Titignan ko ang Mukha ni Reidario halatang Gusto na nitong sabihin na Hindi siya si James pero Umiiling lang ako at pinipisil ko ang Kamay niya

"NADINE! SUMAGOT KAYO! SAAN KAYO NAGPUNTA?! BAKIT ANG TAGAL NYONG NAWALA?!" halata sa boses ni Daddy ang galit na nararamdaman niya

Nagulat ako noong Hinawakan niya sa Kwelyo si Reidario at Pinatayo. Makikitang Galit na Galit talaga si Daddy na parang Papatayin na niya si Reidario

"IKAW NA LALAKI KA! PANAGUTAN MO ANG ANAK KO! SA ORAS NA MAY GINAWA KAYONG HINDI KO GUSTO! KUNG HINDI MO SIYA PANANAGUTAN!... BAKA MAPATAY KITA!"

Hala! Anong pananagutan? Grabi naman si Daddy.

Tumayo ako at Pinigilan ko si Daddy dahil Susuntukin na sana niya si Reidario.

"DADDY, MAHAL KO PO SIYA!"

"ANO NAMAN KUNG MAHAL MO SYA! Dahil sa kanya Sinuway mo kami ng Mommy mo, Siya rin ang Dahilan kung bakit Nasa Hospital ngayon ang Mommy mo!" Sinuntok niya si Reidario kaya napaupo ito.

Hindi gumaganti si Reidario sa pambubugbog sa kanya ni Daddy. Pinipigilan ko naman si Daddy pero itinutulak niya ako.

M-may Alam akong Isang dahilan na pwede kong sabihin na Ikatitigil nila pero Hindi ko alam kung Makakatulong ba ito sa Akin...

We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon