Author's P.O.V.
IMAHINARNYASirang-sira na ang Kaharian ng mga Wizard, Halos Wala ng Nilalang ang Makikitang Pagala-gala dahil Nagkalat parin ang mga Demon sa Buong Paligid upang Siguraduhin kung may Natitira pa bang buhay na Wizard
Pero Lingid sa Kaalaman ng Evil Master, may mga Wizard na Naisalba at Nakatakas papunta sa Lugar kung saan Hindi sila Makikita ng mga Demon.
Nakabilanggo ngayon at Nagdurusa ang Mahal na Reyna sa mismong Kulungan ng Kanyang Kaharian. Hanggang Ngayon nagdarasal parin siya na sana maging Ligtas si Prinsesa Nadine.
Maya-maya Narinig na ang Pagkalampag ng Gate papasok sa Kulungan ng Reyna. Nakahiga ngayon si Reyna Joddi sa Kama ng mga Makasalanan kaya Napabangon ito noong Nakita niya ang Mukha ng Evil Master
"Kamusta na po kayo Kamahalan?" Mapang-asar na Tanong ng Evil Master
Sinamaan siya ng Tingin ni Reyna Joddi. Gusto sana nitong Sugudin ang Evil Master subalit may kadena siya sa Kamay at Paa.
"Gustong-gusto ko talagang Nakikita ang Palaban mong Mukha"
Lumapit ang Evil Master kay Reyna Joddi, Kaya Dahan-dahan itong Umurong Papunta sa Sulok ng Kama
"Huwag kang Lalapit sa akin" sabi ni Reyna Joddi kaya huminto ang Evil Master
Napangisi siya at Nanatiling Nakatingin kay Reyna Joddi.
"Ang Tagal din nating hindi Nagkita, Ganyan po ba talaga kayo bumati?"
"Sa Pagkakatanda ko, Hindi naman Tayo naging Magkaibigan dahil Wala naman akong Kaibigang Traydor"
Nagpatuloy sa Paglapit ang Evil Master. Umupo ito sa Kama na kinalalagyan ng Reyna
"Sinira mo na ang Lahat, Nakamkam mo na ang Kapangyarihang Inaasam mo, pero Lahat ng ito Hindi rin Magtatagal... Lalo na kapag Napakawalan nyo na ang Hari nyo"
"Alam mo... Pwede mo namang Mabawi ang lahat ng Ito kung Kakampi ka sa Amin, Alam mo bang Matagal ko ring Hinintay ang Araw na ito? Na Makita kang Naghihirap habang Sinisira ko ang Lahat ng Meron ka"
"Ano pa bang Gusto mo? Bakit hindi mo nalang ako Patayin?!"
Noong sinabi ito ng Reyna, Agad na Sinunggaban ng Evil Master ang Pisngin nito pero Nagpumiglas ang Reyna na Pinipilit Tanggalin ang Kamay nito
"H-huwag mo akong..."
"Kung Alam mo lang na Gusto na kitang patayin... Pero mas Gusto kong Makita ka pang Nahihirapan"
Tinulak ng Reyna ang Evil Master "Layuan mo ako! Isa kang HALIMAW! Kampon ng Kadiliman!"
"Ako HALIMAW?... Pasalamat ka at Kailangan pa kita!" Sinabunutan ng Evil Master si Reyna Joddi
"B-bitawan mo ako! Kahit Kailan Kinasusuklaman ko yang Pagmumukha mo"
"Hindi mo Magagamit ang Kapangyarihan mo dito sa Kulungan... Nakalimutan mo na bang Ikaw mismo ang Naglagay ng Mahika dito upang Mapigilan ang Kahit na Anong Kapangyarihan ng Taong Nakakulong dito"
"Pasalamat ka at Hindi ko Magagamit ang Kapangyarihan ko... Dahil sa Tuwing Naaalala ko ang Ginawa mo sa akin at Sa Kaibigan ko mas Lalo kitang Kinamumuhian! Ikaw ang Pumatay sa kanya!"
Natigilan naman ang Evil Master sa Sinabi ni Reyna Joddi. Tumayo ito at Tinalikuran ang Reyna pero Napangisi ang Reyna sa Naging Reaksyon ng Evil Master
"Bakit parang Tinubuan ka ng Kunsensya noong Nabanggit ko ang Kaibigan ko... Gusto mo bang Ipaalala ko ulit kung Paano mo dinamay sa Kawalanghiyaan mo ang Kaibigan ko? Ginamit mo lang siya,Diba?"
BINABASA MO ANG
We're Half Demon Princess (ALDUB, JaDine And KATHNIEL UNITE)
Fanfiction((COMPLETED)) Tatlong Maharlika ng Kadiliman na sa Hari ng Dyablo nagmula, Ang isa ay nagmula sa Kaharian ng mga "Wizards", ang isa naman ay sa Kaharian ng mga "Vampire" at ang huli ay sa kaharian ng mga "Fairy".. Ang kanilang mga anak ay lumaki sa...